‘Nakalabas ng portal?’ Padre Salvi, sumakay sa LRT

Kinaaaliwan ngayon sa social media ang pagsakay sa LRT ni Padre Salve, isa sa mga popular na karakter sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Sa Facebook, ibinahagi ng page na The Bulacan Memes ang litrato ni Padre Salvi, na ginagampanan ni Juancho Triviño, kasama ang iba pang cast na nagko-commute sakay ang LRT.

Marami ang natawa sa nasabing litrato. May mga napaisip din kung spoiler ba ito ng serye at makalalabas ba ang karakter sa portal papunta sa mundo ng mga tao sa kasalukuyang panahon.

Nauna nang nag-viral ang larawan ni Juancho habang nakapila sa isang fast food restaurant at nagtungo rin sa isang 24/7 convenience store.

[RELATED – Lumabas sa libro dahil sa cravings? Padre Salvi, co-stars namataang umo-order sa Jollibee]

Mahusay na pagganap

Matatandaang madalas ding mag-trend ang pagganap ni Juancho sa teleserye. Marami ang natutuwa—at naiinis—sa kanya at sa katunayan, maging ang mga kapamilya ng isa sa mga bida na si Barbie Forteza ay napansin na rin ang potrayal niya sa nasabing role.

“Inis na inis sayo ang nanay at ate ko! Galing mo raw,” ani Barbie sa kanyang reply sa tweet ni Juancho.

[RELATED – ‘Sa 10 years ko sa showbiz, first time ko ‘to’: Juancho may TAG Awards Chicago nomination dahil sa role na Padre Salvi]

Umiikot ang kuwento ng serye sa istorya ng karakter na ginagampanan ni Barbie na si Klay, isang Gen Z nursing student na napadpad sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa Noli Me Tangere, si Padre Salvi ang nagdulot ng matinding kapahamakan kay Crisostomo Ibarra.

[RELATED – Kuya Kim kay Padre Salvi: ‘Tagal ko nang gustong bawian ito, grrrr!’]

Samantala, masaya ang mga Kapuso fan na nabigyan na rin ng break si Juancho na isang mahusay na aktor. Wika ng Twitter user na si @JayTorrr, “Sa wakas, may remarkable role ka na. Just enjoy the limelight and be thankful for the role, this is how you will be recalled as an actor–Juancho Trivino. If someone mentions Juancho Trivino, the other one will not ask, ‘Sino ‘yon?’”