
Iniutos ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagpapasara sa isang fast food establishment, ang Kentucky Fried Chicken (KFC), na may btanch sa Barangay Kapasigan dahil sa mga paglabag sa polisiya kaugnay sa kapaligiran..
Sa isang post sa social media, sinabi ni Sotto na ipinaalam niya sa fast food chain sa barangay Kapasigan na wala itong environmental permit para makapag-operate sa lungsod.
“Pinasara ng LGU ang KFC Kapasigan kanina. Grabe ‘yung kapal ng sebo, waste water nila diretso sa Parian Creek. Wala ring Environmental Permit to Operate,” ayon sa tweet nito.
“Maaari silang magbukas ulit kapag may EPO na,” saad ng Mayor ng Pasig.
Nilinaw ni Sotto na ang establisimyento, na isinara noong Huwebes, Enero 12, ay magbubukas lamang muli kapag nakakuha na sila ng environmental permit to operate (EPO).
Dagdag pa niya na mahal niya ang nasabing restawran at sinabi niya na babala rin ito sa lahat ng iba pang establisimyento sa lugar.
“I love KFC, but I share this as a warning to other establishments. #FollowDLaw,” anito sa Twitter.
Ayon sa ulat ng Inquirer, naglabas ng pahayag ang KFC Philippines nitong Biyernes na nakikipagtulungan na sila sa lokal na pamahalaan ng Pasig at mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang kanilang pagsunod sa mga regulasyon sa kapaligiran.
“KFC is working closely with the LGU regarding the issues raised by Mayor Sotto,” saad ng fast food restaurant chain.
“We have also coordinated with concerned agencies such as the Laguna Lake Development Authority and Department of Environment and Natural Resources to make sure we are complying with all the pertinent local and national environmental regulations,” dagdag pa nila.
Sinabi pa ng kumpanya na, “We fully support Mayor Vico Sotto’s program to make Pasig City a haven for environment-friendly establishments.
“Rest assured that this is on top of our priority list. Thank you.”
You must be logged in to post a comment.