‘Manifestation is REAL!’ Andi Eigenmann enjoy sa buhay bilang real-life Marimar

Inamin ng actress turned online personality na si Andi Eigenmann na minsan niyang iniyakan ang hindi pagiging parte ng cast ng Marimar at Dyesebel, ngunit ngayon ay masaya siya sa real-life Marimar experience niya sa isla.

Sa kaniyang Instagram story ay nagbahagi si Andi ng screenshot ng isang komento na nagsabing para siyang si Marimar, ang karakter sa teleserye na pinagbidahan noon ni Marian Rivera.

Bata pa raw siya noon at hindi rin nag-audition, ngunit ikinalungkot niya pa rin ito.

“Fun fact: I cried so hard when I didn’t get cast as Marimar (FYI I was so young and didn’t even audition) (same w dyesebel) but you get it! LOL! And now here I am living that Marimar and Dyesebel, and Marina life in real life!! Manifestation is REAL!,” sabi ni Andi sa post.

Matatandaang nagdesisyon si Andi na iwan ang kaniyang buhay bilang artista at manirahan sa Siargao kasama ang mga anak at partner na si Philmar Alipayo.

Bagama’t masaya na sa buhay sa isla ay hindi naging madali para kay Andi ang mag-adjust noong bago pa lang siyang naninirahan doon, lalo na at wala ang mga kaibigan at pamilya niya roon.

“At the beginning even if ayun nga ang pinangarap ko, hindi naging madali. I still had to adjust some ways, especially since I did not have a family here. I don’t have my mom or any of my siblings and best friends,” sabi ni Andi sa isang lumang panayam.

Malaki rin daw ang naitulong sa kaniya ni Philmar upang makapag-adapt siya sa buhay isla.

“’Yong culture shock kahit papaano noong simula, si Philmar, natulungan niya akong makapag-adapt. Besides, I really enjoy their way of life here,” paliwanag ni Andi.

Ngayon ay may business na sila at patuloy na ibinabahagi ang kanilang buhay sa pamamagitan ng kanilang YouTube channel.