
Sunod-sunod ang mga nagsisilang na celebrities at social media personalities ah! At nitong nga lang Enero 27 ay si Madam Kilay naman ang nag-flex ng kanyang adorable baby sa social media para ipakilala sa kanyang mga followers at friends.
Aniya sa kanyang Facebook post, “Hello po World. My Name is Morty Solaire “LAKAS” Cubillan Deck” 👶
Nilakipan niya ito ng apat na larawan at may pahabol pa siyang “PWERA USOG POW!! 🤭 shelemet mga chaps!”
At tulad ng ibang personalities at celebrities na may anak, aba, mayroon na ring sariling FB page si Little Lakas kaya’t inimbitahan rin nito ang kanyang mga followers na i-support din ang page ng anak.
Dito ay nag-share din ang Madam ng video ni Baby Lakas. Aniya sa caption, “Talo ang Pilipinas, mga Chaps.” hahaha Ang ibig sabihin nito ay nanaig ang dugo ng ama ng bata at hindi ang kanyang lahi.
Matatandaan na Abril ng nakaraang taon nang ibahagi ni Madam Kilay na engaged na sila ng kanyang Amerikanong nobyo na si Michael, isang businessman. Sa tamang panahon may darating na taong hihiling na makasama ka sa habambuhay.
Naganap ang proposal ni Michael kay Madam Kilay (Jinky sa tunay na buhay) sa vacation home niya na ‘Kubo ni Gimo’ na pagmamay-ari niya.
Sobrang kinilig ang vlogger/social media personality nang biglang sabihin ng boyfriend na, “You’re the one person I want to spend my rest of my life with,” sabay luhod at inalay sa kanya ang engagement ring. Siyempre tinanggap niya.
Basahin: Madam Kilay at Michael engaged na: ‘Tatanggi pa ba tayo?’
Ngayon nga ay may anak na sila at masayang nagbabahagi ng mga larawan at videos ng kanilang anak.
Bumuhos ang pagbati sa post nila.
“Absolutely precious! Welcome baby Lakas! Wishing you to be healthy, happy like your momma and strong will like your dadda! GodBless you baby Lakas.”
“What a handsome baby, like dad but also has some features of his beautiful mom.”
“ANG GWAPO!! Congratulations Kumareng Madam K!!! (emojis) I’m excited to see how he would react to your Mudra peg when he’s around 2 yrs old!”
Samantala, panoorin ang first video ni Baby Lakas:
You must be logged in to post a comment.