Kakaibang ‘Low budget gender reveal’ set up, kinaaliwan online

Sikat at nauuso sa ngayon ang gender reveal party; isali na rin ang mga iba-ibang pakulo at ideya para ibunyag ang kasarian ng isang isisilang pa lang na sanggol.

Ang gender reveal party ay isang pagdiriwang na ginaganap sa panahon ng pagbubuntis ng isang babae, na kadalasang ipinagdiriwang kasama ng pamilya at malalapit na mga kaibigan. Mayroong bongga ang setup at mayroon din namang medyo simple pero bongga pa ring matatawag at dinadaluhan ng maraming bisita.

Kaugnay dito, kinaaliwan online ang kakaibang gender reveal set up na tinawag na ‘Low budget gender reveal’ ng netizen na mula sa Binmaley Pangasinan. Mapapansing iilan din lamang sila sa reveal party.

Sa video na in-upload ng Banong TV – ng creator na si Banong De los Reyes – ay makikita ang simpleng dekorasyon lamang at sa CR (Comfort Room) pa ito ginanap.

Mayroong disenyo ang banyo; ilang pink at blue balloon at colored foil strips na nakalagay sa wall nito.

“Low Budget Gender Reveal by Banong TV, Happy New Year Everyone! Happy Birthday Star Delos Angeles,” saad sa caption ng uploader.

Ayon kay Banong, simple lamang ang ginawa niyang reveal at isinabay din niya ito sa kaarawan ng isa sa kanyang mga bisita.

Tinanong muna ni Banong ang kanyang mga bisita kung babae o lalaki ba ang kasarian ng kanyang anak.  Maraming nagsabi na lalaki ang magiging anak nito.

Maya-maya, nagtungo sila sa banyo para panoorin si Banong na mag-flush sa CR. hahaha  Inabangan na nga kung anong kulay ang lalabas sa loob.

Masayang-masaya ang lahat nang makitang kulay asul ang lumabas na tubig sa bowl. It’s a boy!

Matapos ang gender reveal ay sinabi na rin ang magiging pangalan ng kanyang anak, “Orbano Delos Angeles VI kasi ako the III mayroon nang the IV ‘yung anak niya the V, kaya itong magiging anak ko the VI, ayan Sixto.”

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kanyang mga kaibigan sa social media.  Pagbati ng iba, lalaki nga ang magiging anak nila ng kanyang misis.

Kayo, anong gender reveal setup ang plano n’yo?

Samantala, panoorin muna: