Lolong nagde-deliver ng tubig nakatanggap ng surpresang trolley mula sa isang Gen Z, kinaantigan

Minsan talaga may mga taong hahaplos sa ating puso kahit wala itong ginagawang paglapit sa atin. Alam kasi ng puso kung sino ang deserve na tulungan?

Kuwento ng isang Gen-Z matagal na raw nilang suki sa water refilling station ang matanda at nakita niya kung gaano ito nagpupursigi para kumita ng pera.

Minsan daw ay nasubukan ni Cheery Ann Salomes II, 20 anyos, na buhatin at itulak ang kariton ng matanda at nalaman niyang napakabigat pala nitong gamitin.

Upang kahit papaano’y mas madalian ang matanda sa kanyang paghahanapbuhay ay naisipan niyang regaluhan ito ng trolley para hindi na rin ito nakakuba sa pagtutulak gaya ng makikita sa unang larawan. Maiibsan ang bigat na araw araw nitong nararanasan.

Sinamahan na rin ni Cheery Ann ng groceries ang kanyang regalo kay Lolo at nilagyan pa ng ribbon para mas masaya ang huli. Ang ganda pa ng kulay, ‘di ba?

Pinusuan ng netizens ang masayang tagpo sa buhay ni Lolo na unang napanood sa TikTok.  Marami ang naantig at humanga na rin sa pagpupursigi ni Lolo at sa kabutihan ni Cheery Ann. (I-click ang imahe para mapanood ang video.)

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Lolo sa surpresang natanggap. Mas gaganahan na ito sa pagde-deliver at mas magaan pa ang kanyang pagtutulak ng kariton na bago.

Naghatid ng inspirasyon sa marami ang kuwento nila at kumalat na sa social media.

“Minsan ang lakas nating magreklamo sa buhay pero yung iba dyan kahit sobrang hirap lumalaban ng patas lumalaban hanggat kaya ❤️mabuhay po kayo.”

“awwww, grabe iyaaak ko! thank youu po sainyong magagandang loob.”

“Ganito dapat napapanood sa tiktok at hindi ibang issue ng toxic filipino..”

“I’m not one of his relatives,but thankyou for being a good person to him.”

Panoorin ang isang feature ng Kapuso Network kaugnay sa lolong masipag na hinahangaan at tinulungan ng isang babaeng 20-anyos lamang.