Promise fulfilled! Kris Aquino ibinahagi ang mga larawan nila ni Josh, Bimby sa Disneyland

Kahit patuloy pa rin ang pagharap sa seryosong karamdaman ay tinupad ni Kris Aquino ang pangako sa anak na si Josh na dadalhin niya ito sa Disneyland.

Ibinahagi ni Kris ang ilang mga larawan at video mula sa bonding nila ng kaniyang mga anak. “Promise fulfilled… Because i gave kuya Josh my word,” sabi ni Kris sa caption.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Kris na nangako siya kay Josh na sasamahan niya ito sa “happiest place on earth.” Itinaon niya na rin ito sa pag-alala sa kaarawan ng namayapang inang si dating Pang. Cory Aquino.

Gusto niya raw ibigay sa anak ang karanasang ito nang sa gayon ay magkaroon siya ng happy memories sa kabila ng pagsubok na pinagdaraanan.

“I really pray kayanin ko, even just 5 rides so kuya will have happy memories during this whole ordeal,” aniya sa naunang Instagram post.

 

Dahil daw sa magandang halimbawang ipinakita ng kaniyang ina ay kakayanin niyang gawin ito kahit nahihirapan siya.

[RELATED: Kris Aquino remembers Mom’s 90th birth anniversary; shares update on her condition]

“It’s because of the example you set that even when my deep bone pain is awful or my vascular urticaria is everywhere- I don’t complain- I want Kuya and Bimb to see they are worth all the pain and discomfort because I know they still need me,” paliwanag niya pa.

Samantala, ikinatuwa naman ng ilang showbiz personalities at netizens na makita si Kris na nag-eenjoy kasama ang mga anak.  (Click the image below to watch the video)

 

“I am thankful and happy to see you up and about, Kris! Thank You, God…” komento ni Princess Punzalan.

“Good to see you again with the love of your life, Josh and Bimby. You look great Ms Kris. Looking forward to seeing you more. I am always praying for your complete [recovery],” sabi ng isa pa.

“I am a stranger to you, but you and your children are always in my daily prayer petitions. Believe that there are a lot of people who pray for you and your boys. Get well, if only for your children’s sake. We hope to see you soon here in the Philippines,” sabi naman sa isang komento.