Kampo ni Julie Anne may tugon sa ‘rebelasyon’ ni Alden kay Boy Abunda sa ‘Fast Talk’ guesting

Ano ba’ng mayroon si Tito Boy at hindi na nagawang umiwas ni Alden sa mga tanong nito?

Nang mag-guesting ang “Asia’s Multimedia Star” na si Alden Richards sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules ng hapon, Enero 25, 2023, tila gripong nabuksan ang aktor at ibinuhos ang ilang bagay na hindi pa niya naibubunyag sa publiko.

First time kasi na napagsalita si Alden kaugnay sa mga babaeng na-link sa kanya; ito’y matapos tanungin ni Tito Boy kung nagkaroon ito ng girlfriend sa showbiz.  “Hindi po,” naman ang tugon niya. Wala rin siya umano sa dating stage sa kasalukuyan.

Gayunman, tila nabatu-balani siya sa mga sumunod na tanong at napasagot ni Tito Boy kaugnay sa mga muntik na niyang naging girlfriend. “Sa mga artista na na-link sa iyo, sino ‘yung mga muntik mo nang maging girlfriend?”  “Dalawa po,” pag-amin niya.

Nabanggit niya si WinWyn Marquez at si Julia Anne San Jose bilang mga muntik nang naging sila.

Kay Winwyn, inamin niyang mula sa pagiging friends hindi natuloy na maging sila dahil “For some reason, because of work.”

Kaugnay naman kay Julie Anne, medyo naging emosyonal si Alden at inamin niya na siya ang may kasalanan kaya hindi natuloy ang pagkakamabutihan sana nila ni Julie Anne. Aniya kay Tito Boy, “I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. Yun po yung inihingi ko ng sorry sa kanya (Julie Anne).”

Dagdag pa niya, “It’s a long time… a long time of ahh… parang naiwan ko po siya and I’m sure, if she’s watching right now…na alam naman po niya…”

Hindi pa niya umano nasasabi ang tungkol dito kahit kanino. Pagbubunyag niya, “Yung part po kasi kay Julie Anne, ‘yun po yung parang mabigat.”

“When we were doing Sunday Pinasaya, since that time that we separated, ang tagal po naming hindi nag-usap. Seven years almost, ganoon po katagal.And then naniniwala po kasi ako na time heals everything and mahirap po kasing ipilit na gusto mong magkaayos kayo. Pero ‘yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po ‘yung sugat.”

Pagpapatuloy niya, “And hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling ‘yun. It really depends upon the person.”

Nang magkaroon daw ng pagkakataon, kinausap ni Alden si Julie Anne para humingi ng tawad.

Lahad ni Alden, “So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7. Nung kami na lang pong dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto. And then I talked to her na, ‘I’m really sorry for  what happened. Iniwan kita and there’s no one to blame but me, and sana napatawad mo na ako.”

Pagpapatuloy niya, “Okay po siyang kausap that time, and then, pagkatapos ng usapan, parang may ibang relief po sa kalooban. Na parang for the longest time, iniiwasan ko rin po siya. Pero noong nangyari ‘yung moment na yun, may dala pala rin ako.”

“Now, we’re very much good friends po,” aniya.

Ang pagbabalik ni Alden sa nakaraan:

Samantala, matapos lumabas ng rebelasyon ni Alden na nakarating dn naman sa aktres at sa kampo nito, may ipinahatid naman pahayag ang kampo ni Julie Anne.

Si Tito Boy na rin ang nagbahagi ng naging tugon ng kampo ni ‘Maria Clara’ ng GMA #mcai;

Aniya, “Ang Fast Talk with Boy Abunda reached out to the management of Julie Anne, At ang sabi nga po ay itong kaganapang ito belongs to the past. Julie Anne is okay and let’s all move on, ika nga,”

Napakuwento pa si Tito Boy nang kaunti sa panahong nagkakilala sila ng aktres kung saan ay inimbitahan niya rin ito at ang nobyo nito na si  Rayver Cruz.

“Rayver introduced Julie Anne to me personally noong ako ay nag-guest po sa All-Out Sundays. At inimbitahan ko sila, sabi ko, ‘Julie Anne, sana maging bisita kita, kayo ni Rayver sa Fast Talk with Boy Abunda.'”

Pumayag naman daw ito.

Panoorin: