
So, what’s the latest sa mga dear pets, Panda and Shuti, ng actress-fashion icon na si Heart Evangelista? May mga pasalubong si Mommy!
“Anything for you @pandaongpaucoescudero and shuti,” caption ni Heart sa kanyang recent video sa Instagram at may @hermes pang kasunod.
Mapapanood ang kanyang pag-a-unbox ng dalawang kahon ng Hermes at ang sumunod nas eksena? May pet beds na super elite ang kanyang furbabies na sina Panda at Shuti! Wahhh! Super lucky dogs! (Iclick ang imahe para sa video.)
Huwag na nating alamin ang presyo at baka malula tayo! hahaha Pero sinilip ko sa Hermes website ang presyo ng isa (hindi ko natiis).
Alam ng marami niyang kaibigan at followers na si Heart ay may soft spot talaga para sa mga hayop lalo na sa kanyang mga furbabies. Isa si Panda na pinakasikat sa kanyang mga beloved pets at mayroon pa nga itong sariling Instagram page; ang pandaongpaucoescudero.
Hindi lang iilang beses na binilhan niya ng branded na gamit ang kanyang aspin baby. Kaya naman hindi na nagtataka ang mga naka-follow sa kanya kung may espesyal na ‘pasalubong’ muli si Panda mula sa paglalakbay ng kanyang furmom..
Bukod sa pet beds, may bago rin silang collar at may blue-and-red cotton shirt na may strawberry design mula sa Gucci si Panda. Naka-flex pa ito sa official Instagram page ng sikat na aspin. Base sa website, ay nagkakahalaga ito ng $250. Omg.
“Paris to Japan ! Muna home and she got pasalubong! (emojis) Tags from @lebonmarcherivegauche, Outfitan @gucci Mukhang Di na stress si mum! Dami pasabog salve . Charufff.” (Iclick ang imahe para sa video.)
At kahit siya ay nasa malayo, may special way din si Heart para hindi gaanong malungkot si Panda pag wala siya.
“Panda deserves the best even with my busy schedule! This is why making him feel less lonely and missing him would never be a problem ’cause I got this NEW Cherry Pet Smart Pet Feeder Plus from @CherryHomePH!
You too can make your fur babies feel loved by ‘talking’ to them through the video and two-way audio features of the Cherry pet smart pet feeder plus! …”
Napakasuwerte ng fur babies niya ano?
Humahanga at ‘nalulula’ ang mga nagkomento sa kanyang mga posts kaugnay sa fur babies niya. Idinaan na lang ng marami sa kwelang komento ang kanilang reaksyon sa mga en grandeng pasalubong ni Heart kina Panda at iba pa.
Lord, Universe, in my next life pls let me be a pet to someone as rich and caring as Heart Evangelista.
Buti pa aso may original Hermes.. Sana all..
Very blessed ang mga aso mo sa iyo ms. Heart..and you to them.. God bless you and your lovely pets.
Yung tao ka pero sa aso ka maiinggit (laugh emojis) arf arf, ganda panda and shuti love love kau ng mommy Heart nio <3 apaka sosyal na doggies naka hermes.
Gusto ko na lang maging aso ni Heart, makaranas man lang ng Hermes.
Pwede po akong maging aso. Magiging best mate kame ni panda kase madami akong imamarites skanya char.
Buti pa si Panda at Shuti may Hermes, eh ako kahit Hairnet wala.
You must be logged in to post a comment.