GMA, ABS-CBN nagsanib-puwersa para sa bagong teleserye na ‘Unbreak My Heart’

Dating mahigpit na magkaribal sa industriya subalit ngayon ay nagsanib-puwersa ang GMA Network at ABS-CBN para sa bagong aabangang teleserye na ‘Unbreak My Heart’.

Ang ‘Unbreak My Heart’ ay tatampukan ng mga talents mula sa dalawang higanteng network na kabibilangan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia, and Richard Yap.

Maituturing ang proyektong ito na kauna-unahan sa kasaysayan ng telebisyon sa bansa at pinakamalaking collaboration ng GMA at ABS-CBN.

“It’s a first for Philippine TV, and I’m sure the audience will be the winners in this collaboration. We’re very excited to be working with ABS-CBN on TV for the first time,” ayon sa pahayag ni GMA Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ang kontrata para sa nasabing proyekto ay nilagdaan kamakailan ni Valdez at ni ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes. Kasama rin sa pumirma si Vinchi Sy-Quia ng Viu Philippines kung saan nakatakdang ipalabas ang teleserye maliban sa GMA.

Ang ‘Unbreak My Heart’ ay isang romantic drama na ang kuwento ay mangyayari sa Switzerland. Ito ang unang pagkakataon na magtatambal sina Joshua Garcia at Gabbi Garcia habang balik-tambalan naman sin Jodi Sta. Maria at Richard Yap na nagpakilig noon sa ‘Be Careful With My Heart’.

“This collaboration will really bring in opportunities not only to the networks, but for the people working in the network, for the people in the industry,” ayon kay Jodi.

“I’m really proud, honored, and excited to be part of this show which is history in the making since this is the first time that two network giants will be working with each other. Of course I’m also excited to be working with Jodi again and all the other people in the cast,” wika naman ni Richard.

Maliban sa apat na nabanggit, may markadong role din sa ‘Unbreak My Heart’ sina Maey Bautista, Will Ashley, Bianca de Vera, Nikki Valdez, Eula Valdes, at Laurice Guillen.

Ang pinakaaabangang teleseryeng ito ay ididirehe nina Emmanuel Palo at Dolly Dulu at mapapanood na ngayong 2023.