
Naniniwala si Geneva Cruz na maaaring maging kaibigan ang ex gaya ng pagsasama nila ng dating asawang si Paco Arespacochaga.
Sa Instagram, ibinahagi ng singer-actress ang video ng muling pagsasama nila ni Paco pagkatapos ng mahabang panahon.
“Can exes be good friends with one another? The answer is YES,” isinulat ni Geneva bilang caption sa video na nagpapakitang nag-high five pa sila ni Paco sa isa’t isa.
“Awesome seeing my only son’s daddy and my good friend Paco @arespacochaga this afternoon. This is how we greeted each other,” aniya pa. (I-click ang imahe para sa video)
Marami naman ang nagbigay ng komento kaugnay sa mga exes na puwede palang maging kaibigan;
“Yes its true… mostly my exes are my friends now.”
“That’s how me and my son’s dad also , good friends.”
“Sana ganyan lahat ng celebrity, hindi ‘yung puro napapanood namin file case sa korte.”
May mga followers naman na kinikilig pa rin sa muling pagkikita ng dating mag-asawa, “Omg kilig much ako.”
“In fairness, my chemistry pa din hehe.”
Ang dalawa ay makikitang nagkakasundo at mukhang napanatili ang kanilang pagkakaibigan matapos ang kanilang paghihiwalay maraming taon na ang nakalilipas.
Pinawalang-bisa ang kasal nina Geneva at Paco noong 2001 pagkatapos ng limang taon nilang pagiging mag-asawa.
May anak silang lalaki na nagngangalang Heaven na ngayon ay 26-anyos na.
Kamakailan ay ibinahagi at nagbigay ang aktres kung paano niya hinarap ang pagiging isang single mother noong mga nakaraang taon.
Sa panayam ng MomCenter, sinabi ng aktres na natutuwa siya na nakasama niya ang kanyang mga anak noong siya ay nasa Estados Unidos.
“Ako kasi, I believe mas maganda kung if you sit them down and sabihin mo sa kanila kung ano ‘yung nangyayari without saying anything bad about your partner,” wika ng aktres.
Sinabi rin ng 46-anyos na natuto siyang alagaan ang sarili na lalong nakatulong sa kanya para maging mas hands-on sa kanyang mga anak. Bukod kay Heaven, may anak siyang babae sa dati niyang fiance na si Lee Paulsen.
“It’s also very important na sabihin mo sa kanila na wala silang kasalanan. It should always come from a place of love,” dagdag pa niya.
You must be logged in to post a comment.