FB page ni Baby Meteor dinagsa ng followers, lampas kalahating milyon agad in just two days

Sinundan ng marami ang journey ng love story nina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario hanggang sa tuluyan na silang nagkaanak nitong Enero 23 taong kasalukuyan. Hindi biro ang milyun-milyong views sa bawat video na ibinabahagi ni Whamos at ng Team Whamonette

Ayon sa mga followers, bukod sa pagiging kwela ng content creator at social media personality, mabait at matulungin ito at ang partner niya. Kaya siguro mas lalo silang ‘pinuputakte’ ng mga fans at followers. Maganda rin umano ang takbo ng mga negosyo nila dahil na rin sa malakas na suportang natatanggap nila.

Kaya hindi na nakagugulat na sa loob lamang ng dalawang araw ay dinagsa rin ang Facebook page ng kanilang anak na si Baby Adriel Meteor Del Rosario Cruz. Umabot agad sa mahigit kalahating milyon ang followers nito at may 355 reviews na ha. Amazing, ‘di ba?

As of writing ay nasa mahigit 616K na nga ang naka-follow kay Baby Meteor.

Kaya naman ang mag-partner ay nag-post agad ng pasasalamat sa kanilang ardent supporters.

Anila, “HAPPY 500K FOLLOWERS IN 2DAYS 😍🤗 THANK YOU PO SA INYONG LAHAT!”

Masayang-masaya ang dalawa sa bagong yugto ng kanilang buhay.

Mula sa pagle-labor ni Antonette ilang araw bago ito nanganak hanggang sa tuluyan na nitong nailuwal ang kanilang anak na lalaki ay masinsing naidokumento ni Whamos ang mga kaganapan. Ganoon sila kasaya na ibahagi sa kanilang mga tagahanga ang mga kaganapan sa kanilang ‘Baby Meteor Journey’.

Nitong Enero 26, masaya ring finlex ni Whamos ang unang larawan nila bilang isang pamilya.

Aniya, “1ST PICTURE WITH BABY METEOR AND MAHAL.”

Sinabay ni Whamos ang pag-iimbita sa mga netizens na i-follow na rin ang Facebook page ni Baby Meteor.

Wow! Celebrity baby na talaga si Baby Adriel Meteor.

Ang isa pang nakagugulat ay ang profile pic ni Baby Meteor! Akalain mo ‘yun. Walang kamalay-malay ang sanggol na ang DP niya na kuha habang siya’y natutulog ay humakot na ng mahigit 54k shares, 423K reactions at may lampas 24,000 nang comments ng papuri at pagbati! Aba, super sikat ka na talaga, cutie cutie Baby Meteor!