
Napakasaya at proud at parents sina Whamos Cruz at Antonette Gail del Rosario sa pagdating ng kanilang panganay nitong ika-24 ng Enero taong kasalukuyan via normal delivery.
Mula pa noong nagle-labor si Antonette, ilang araw na ang nakalilipas, ay hindi na mabilang ang mga nag-abang, nagkomento at bumati hanggang sa naisilang na ang kanilang anak. Nagmistulang reality show na sinundan ng fans nila at mga kaibigan ang pitong videos kaugnay sa pagle-labor at panganganak ni Antonette.
“Welcome, Baby Adriel Meteor!”
Masayang ibinahagi ng dalawa ang video ng kanilang pa-face reveal sa kanilang anak. Sa loob lamang ng apat na oras ay ilang million na ang nakapanood nito at libo libo nang comments ang natanggap na halos lahat ay pagbati at pagsasabi na napaka-cute ng kanilang anak.
“Congrats mamy and dady #Whamoscruz .ang pogi ng baby meteor ang tangos ng ilong mana kay daddy.”
“You were blessed with an angelic handsome kiddo. Be blessed all the way through. Now you’ve experienced how to be in a parenthood! Just remember love your wife and son endlessly and unconditionally congratulations!”
Mayroon ding mga nag-alala at nagpapaabot ng payo dahil sa kasuotan ng sanggol na bagong silang pa lamang. Para sa first time mommy at second-time daddy (may anak siya sa ex-GF), sana raw ay suotan ito ng cap, mittens at medyas, pajama at sulapa dahil malalamigan ito.
Pakwelang nagbabahagi ng mga kaganapan sa loob ng hospital room si Whamos. Madaling araw na daw noon at gising na gising ang kanilang Baby Meteor. Simula na ng kanilang puyatan araw-araw. hahaha
Ramdam ang saya ni Whamos habang buhat na ang kanyang anak na ayon sa kanyang pagtingin ay nakamana raw ng pagiging maputi ni Antonette. Sinabi rin nitong matangos ang ilong ng anak nila at napakaguwapo.
Puno naman ng pagmamahal ang mukha ni Mommy Antonette habang buhat niya ang kanyang panganay. Sinimulan na rin niya itong i-breastfeed at pagkaraan ay binihisan at pinalitan ng diaper. Mommy na talaga siya!
As of writing ay umabot na ng mahigit 9.5M ang views sa video at halos 91K na ang mga komento ng pagbati at suporta sa dalawa.
Basahin: It’s a Boy! Whamos Cruz, Antonette Gail masayang idinaos ang gender reveal ng kanilang first baby
Samantala, narito at panoorin na ang video ng face reveal nila sa anak:
You must be logged in to post a comment.