
Trending na naman sa social media ang actress, TV host, at vlogger na si Alex Gonzaga matapos aminin ng batikang aktres na si Dina Bonnevie sa “Fast Talk with Boy Abunda” na tama ang espekulasyon ng mga netizen tungkol sa kaniyang pa-blind item noon, sa naganap na media conference noong 2018.
Ayon kay Dina, isang co-star nila ang “naawardan” niya dahil late na itong dumarating sa set ng kanilang taping noon.
Hindi na raw siya nakapagtimpi dahil marami na rin sa mga co-stars nila ang nababad trip sa “unprofessionalism” ni Alex, kaya napagsabihan niya ito.
Muling lumutang ito nang magsagawa ng podcast si Alex noong 2022 kung saan isinalaysay niya na pinalabas siyang “bad guy” ng isang artistang matandang pinagsisigawan siya sa harap ng lahat.
Sa latest episode nga ng FTWBA, inamin at sinalaysay ni Dina ang mga nangyari.
Paglilinaw ni Dina, naging spokesperson lamang siya ng mga katrabaho nilang sina Gabby Concepcion, Cheska Iñigo, at Nadine Lustre na hindi na rin nagugustuhan ang work ethics ng aktres.
Pinagsabihan daw niya si Alex na kung gusto nitong tumagal sa industriya, kailangan nitong baguhin ang work attitude.
Sa ulat naman ng Philippine Entertainment Portal o PEP ay malinaw na inilatag ang mga rebelasyong pinakawalan ni Dina.
“It didn’t come naman without reason. I mean, we were working together,” aniya.
“Kaya lang kasi, it didn’t only happen once, twice, thrice.”
“So, hindi lang naman ako. There were other co-workers who were also getting irked about yung working habit niya or the way she was working with us.”
“So, napag-usapan na ako ang spokesperson. Si Gabby… anyway nabanggit ko na, Gabby (Concepcion), Cheska Iñigo, si Nadine Lustre.”
“We were all together and nobody had the strength or the audacity to come up to her and talk to her.”
“So, okay, ako ang magiging spokesperson.”
Hindi rin aniya totoong pinagsisigawan niya ito mula ulo hanggang paa.
“That morning, late na naman siya. Nagpipigil na kami noon. ‘Parang, ‘Hah!'”
“Umuusok na lahat sila, ‘I’m gonna walk out of this set if you don’t tell her up. You gonna tell her up, D, hindi ko na kaya!’ Ganyan-ganyan.”
“’Ako ba?’ O sige, ako lang naman ang may lakas ng loob.”
Kuwento pa ng batikang aktres, sinabi niya kay Alex na kaya niya sinasabi ang mga bagay na iyon ay dahil nais niya itong mapabuti at tumagal sa industriya.
Nagkausap pa raw sila ng Mommy Pinty Gonzaga nito, ilang araw matapos ang komprontasyon. Ipinaliwanag ni Mommy Pinty na tumatayong manager nito, na maraming proyekto ang kaniyang anak.
Nilinaw ni Dina na wala siyang sama ng loob kay Alex at maayos naman daw silang nagkausap. Sa katunayan, nakapag-guest pa siya sa noontime show na “Lunch Out Loud” at okay daw ito sa kaniya.
You must be logged in to post a comment.