
Sa wakas! Matapos ang ilang araw na pagle-labor ay maluwalhati nang nakaraos sa panganganak si Antonette Gail del Rosario , ang partner ng content creator at social media personality na si Whamos Cruz.
“Welcome, Baby Meteor!”
Masayang-masayang ibinahagi ni Whamos Cruz na si Antonette Gail ay naisilang na ang panganay nilang anak na si baby Adriel Meteor. Matagumpay na nai-normal delivery ito ni Antonette.
“SA WAKAS NANGANAK NA C ANTONETTE,” anunsyo ng excited na ama sa kanyang Facebook page.
Kalakip ng kanyang post ang video ng kanyang paghihintay sa pagsilang ng kanilang anak. Hindi niya iniwanan ang kanyang mahal at pinalalakas ang loob nito at may paghalik pa dito hanggang sa tuluyan na itong pinaghintay sa kanilang private room nang dalhin na sa delivery room si Antonette.
Ilang araw ding nag-labor si Antonette; na sabi nga ng marami ay nanganganay raw kasi.
Panay umano ng dasal si Whamos na sana ay maging matagumpay at makaraos nang maayos ang kanyang mag-ina.
“Wala akong ibang masabi ngayon nagpi-pray ako, nagdadasal ako kay Lord na sana maging okay ang panganganak ni Antonette at si baby Meteor sana dumating sila dito na masaya,” pagbabahagi niya. Napakalakas nga raw ng tibok ng kanyang puso.
“Grabe ‘yung tibok ng puso ko, kung mapapahawak ko lang sa inyo… Kaunting tiis na lang,” sabi nito sa video.
Bandang dulo ng video ay ipinakita na at ipinabuhat kay Whamos ang kanyang anak na ayon sa healthcare worker ay maputi at napakagandang bata.
Ramdam mo ang saya ni Whamos nang mabuhat na ang kanyang anak na ayon sa kanyang pagtingin ay nakamana raw ng pagiging maputi ni Antonette. Sinabi rin nitong matangos ang ilong ng anak nila at tila balbon pa.
Nang nasa silid na nila ang groggy pa rin na ina, maririnig ang masayang kuwento ni Whamos kay Antonette, kasabay ng pagsasabi dito na magpahinga muna nang mabuti para makabawi ng lakas.
Umabot na ng mahigit 14.2M ang views sa video at halos 140,000 na ang mga komento ng pagbati at suporta sa dalawa.
Nagpalasamat naman si Whamos sa dami ng well-wishers nila. “MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT (emojis) mahal na mahal po namen kayo. 🤗”
Nakahinga na raw ‘yung mga masugid na nag-abang at ilang araw ding sumunod sa journey nila ni Baby Meteor. Inabot ng milyon-milyon ang views sa anim na video ng pagle-labor ni Antonette hanggang sa magsilang. Whew! Sikat ka talaga, Whamos!
Paglilinaw naman ng ilang netizens, hindi ito ang unang anak ni Whamos dahil may nauna na siyang anak sa dati niyang girlfriend.
Basahin: It’s a Boy! Whamos Cruz, Antonette Gail masayang idinaos ang gender reveal ng kanilang first baby
Panoorin:
You must be logged in to post a comment.