
Sa kabila ng “longing” na mabuo ang kanilang pamilya, nananatili ang pananalig ng mag-asawang Christian Bautista at Kat Ramnani sa Panginoon kaya naman hindi sila nape-pressure na magkaroon ng anak.
Sa panayam sa YouTube program ng beteranang broadcast journalist na si Karen Davila, ibinahagi ng mag-asawa kung gaano sila nangangarap at nananalig na magkaroon ng mga anak.
Kuwento ni Kat, sa apat na taon nila bilang mag-asawa ay sumusubok na rin silang humingi ng tulong sa teknolohiya, kasabay ng patuloy na pagdadasal sa Maykapal.
“We’ve been praying for it and trying. We’re thankful for all the medical advances that are there to assist us. Not maybe our time right now but hopefully in the future,” aniya.
“When the right time comes, I guess. When the Lord gives us that child. We’re also of course, longing for a family of our own,” saad naman ni Christian.
Sa bansa, kung saan madalas naitatanong sa mga mag-asawa kung bakit wala pa rin silang anak, hindi raw pinapansin ni Kat ang mga sinasabi ng iba dahil ang mahalaga lamang sa kanya ay ang opinyon ng kanyang asawa at pamilya, at never daw siyang nakaramdam ng pressure mula sa mga ito.
“The only opinions that matter to me are my husband’s and my family’s. And they’ve never pressured us,” aniya. “I’m fine with it. And I know it’s in God’s time. So I don’t feel the pressure.”
Sa ngayon, matiyagang naghihintay ang mag-asawa at excited na rin daw si Kat na makita si Christian bilang isang mabuting ama.
“‘Cause I think Christian will be a phenomenal dad. And I’d be honored to have a kid with him,” wika niya.
Hiling ni Kat sa publiko, samahan sana sila sa pagdadasal para sa katuparan ng pangarap nilang magkaanak.
“Please pray with us,” panawagan niya sa nasabing interbyu.
You must be logged in to post a comment.