
Sino bang bata o matanda ang hindi nakakaalam nito?
Naging bahagi na ng buhay ng maraming bata noon ang paglalaro ng ‘Bato bato pick’ o ‘Jack n Poy’? Naging paraan na rin ito ng bata o matanda para madesisyunan ang ilang bagay gaya ng kung sino ang taya o kung sino ang mauuna sa isang gawain. 🙂
Bukod kasi sa ginagawa itong libangan ng mga bata, ito na rin ang nagsisilbing ‘decision-maker’ sa mga ‘dispute o usapin. hahaha
Origin
Ang bato bato pick ay hango sa larong “Rock, Paper or Scissors.” Dalawang manlalaro ang gumagawa nito sa bilang na tatlo at ang kalalabasan ng piniling sign ang basehan sa kung sino ang nanalo. Talo ng bato ang gunting. Talo ng papel ang bato at talo ng gunting ang papel.
Samantala, ang terminong ‘Jack en Poy’ ay hango sa Japanese name na ang bigkas ay “jan-ken-pon”. Sa paglipas ng panahon, kakasalin-salin ay nauwi ito sa ‘Jack en Poy’ na mas Pinoy ang tunog. Nagawaan na nga ito ng pelikula kung saan naging dalawang karakter ito; si Jack at si Poy.
Naging awitin na rin ito ng mga bata. “Jack en poy, Hale hale hoy. Sinong matalo siyang unggoy.Jack en poy.”
Ang “Bato-bato-pick” naman ay isang variation nito. Marahil, ito ay dahil tila ibinabato ang kamao nang dalawang beses bago ilabas ang pangatlong bitaw na maaaring bato, papel o gunting. 🙂
Madalas na tayong naglalaro nito noong ating kabataan. Naging paraan na rin ito sa ilang magkakapatid para malaman kung sino ang, halimbawa, maghuhugas ng pinagkainan o kaya’y kung sino ang maglilinis na bahay. hahaha
Samantala, nagiging indoor game naman ito para sa iba; bonding time ng magkakaibigan, magkakapatid, magpipinsan o sino pa man. Ginagawa rin ito sa mga challenge tulad ng ibinahaging video ni Nonoy Lagpat-Team Ragumo. Ang tiyak, naging bahagi na rin ito ng buhay Pinoy, noon at magpahanggang ngayon. 🙂
Panoorin ang video ng mag-lola na nag-Jack en Poy bilang bonding time:
You must be logged in to post a comment.