Nostalgia: Ang Barkada Trip commercial na inaabangan noon sa Studio 23

Barkada trip

Natatandaan mo pa ba ang barkada nina Bok, Derek, Nori, Abantao, Nikki, Trixie, at Marla? Palagi ka rin bang excited noon sa bagong Barkada Trip commercial sa Studio 23?

Barkda trip

Isa sa mga inaabangan noon sa Studio 23 ang two-minute cartoon commercial na “Barkada Trip“.

Sa kabila ng pagiging maikli, kinaaaliwan ng marami ang mga nakakatawang episode nito tungkol sa mga teenager na may iba’t ibang personalidad at interes; mga pagkakaiba na dahilan kung bakit mas nakalilibang ang bawat video na ineere.

Sa Facebook, YouTube, at iba pang sites, hanggang ngayon ay binabalikan pa rin ng mga “young once” paminsan-minsan ang isa sa pinaka-cool na cartoon barkada noon sa Pilipinas.

Hanggang ngayon ay naaalala pa rin daw ito ng mga television viewer na naghihintay dito araw-araw sa tuwing commercial break noong 2000s. Sa Pinoy na Pinoy na estilo ng mga karakter, hindi nga naman nakapagtataka kung bakit ito tumatak nang husto sa marami.

Barkada trip

“Si Bok, Abantao, Trixie, Nikki, Marla, Derek, at Nori. Tapos iyong pusang alaga ni Bok ay si Malas at iyong alaga naman ni Nori na Tarsier ay si Aries. Nakaka-miss manood ng mga short clip na ito sa Studio 23,” wika ng social media user na si S. Phillip.

“Brings back high school memories. Aside from Yu-Gi-Oh!, ito ang inaabangan ko noon,” pagbabalik-tanaw ng YouTube user na si NormanPogi3000.

“Noong elementary, lagi ko pinanonood ito kapag commercial break sa Channel 23,” pag-aalaala ni D. Anime.

“Oh, my, I still have my old Barkada Trip notebooks!” kumento ni G. Gulay.

“My childhood favorite clip videos in Studio 23,” sabi ng user na si i am Pisces. “Inaabangan ko ‘to talaga tuwing mag-a-advertise. Salamat sa creator, you made my childhood more awesome.”

Barkada trip

Ikaw, inaabangan mo rin ba palagi noon ang Barkada Trip? Sino ang paborito mong karakter sa commercial na ito? Ano ang mga hindi mo makalilimutang alaala kakabit nito?