
Matitiis ba ng isang ina ang kanyang anak? Eh ang anak, matitiis ba niya ang kanyang ina?
Sa isang video na ibinahagi ng new mom na si Antonette Gail Del Rosario sa kanyang sariling Facebook page nitong Enero 29 ay makikita ang masaya at emosyonal nilang eksenang mag-ina kasama si Whamos Cruz..
Panimula niya dito, ““KAHIT MADAMING [ANONG] PROBLEMA MAGULANG PA DIN NATIN SILA.”
Sa intro ay kapansin-pansin na naiiyak itong nagsasalita. “S’yempre, kahit ano’ng…madaming problemang pinagdaanan dati…alam n’yo naman na yun eh… s’yempre nararamdaman ko, bumabawi sa ‘min si Mommy.”
Sa video ay ikinuwento ni Antonette na pinapasok nila ang kanyang ina sa kanilang silid dahil may sasabihin sila.
Ang totoo ay may surpresa ang vlogger couple dito dahil ibabalita nila na monetized na ang mga vlogs ni Mommy Dolly sa Facebook. Ngunit bago naiparating ang balita kaugnay dito ay napalahad si Antonette ng pagkakaayos nila ng kaniyang ina.
Naikuwento niya rin ang ilang detalye pati na rin ang pagpapa-Tulfo ng ina noong 2021, kasabay ng pag-amin na ngayon lamang sila naging sweet; na first time lang ito. Pumupunta umano doon ang kanyang ina at inaalagaan si Meteor at siya rin para hindi siya mabinat.
Ikinuwento rin nito na naroon sa ospital ang ina nang nagle-labor siya at natataranta ito.
Nang ipinarating na nila ang magandang balita tungkol sa monetization ng kanyang vlogs ay binigyan pa nila si Mommy Dolly ng 50K na premyo kaya’t nagtatalon ito sa tuwa. May nais pala itong buksang maliit na negosyo dahil may iba pa itong mga anak na sinusuportahan.
Napag-usapan din nila ang pinagdaanang gulo sa kanilang pagitan noon. Nauunawaan naman daw ito ni Antonette dahil minor nga naman siya at ayaw ng ina na mapahamak siya. Nagpadala lang daw ang kanyang Mommy sa mga taong nakapaligid sa kanya noon. Sobrang intinding-intindi naman daw nila yun.
Bilang pagtatapos, sinabi ni Whamos na ang mahalaga ngayon ay nasa past na lahat ng nangyaring hindi maganda at ang importante ay ang ngayon na magkakasama na at masaya sila.
You must be logged in to post a comment.