Antonette Gail sinurpresa ni Whamos sa 19th birthday nito; ibinida ang ‘best gift’

Happy na, birthday pa!  #TeamPaangat

Nitong ika-30 ng Enero ay nagdiwang ng ika-19 na kaarawan ang new mom na si Antonette Gail Del Rosario; partner ni Whamos Cruz na isang content creator at social media personality bukod sa pagiging entrepreneur nito ngayon.

Sa Facebook ay nag-post si Antonette ng ilang larawan, kalakip ang pagbati sa sarili at ang kanyang wish. Aniya, “Happy Birthday Self! (heart emojis) Wish ko lang is more blessings to come samin and healthy lagi lalo na si Baby Meteor” 🥰❤️

Pero bago ‘yan, may nauna nang kaganapan sa kaarawan ng ngayon ay disinuwebe nang new mom.

Umalis muna si Whamos at nagpaalam kay Antonette na lalabas lang siya at may kukunin ngunit ang totoo ay pumunta sila ng Team Paangat sa Sta. Lucia Mall para bumili ng mga regalo para sa kanyang ‘Mahal’.

Dahil mahilig daw sa bag si Antonette ay bumili siya ng maraming klase. Ipinasilip niya sa video ang kanilang paglilibot sa mall at ang mga pinamili para sa kanyang Mahal.

Pagkauwi ay dali-dali na nilang inakyat si Antonette sa private room ng mag-partner. Tangan ang birthday cake ay pumasok na sila at kinantahan ang celebrant.

Nauna nang finlex ni Antonette ang pinakamagandang regalong natanggap niya sa kanyang kaarawan. Aniya sa isang FB post, “My Best Gift.  Happy birthday, Self.”

Inilakip niya rito ang larawan ng kanilang unang pagkikita ni Baby Meteor nang ito ay nailuwal na niya noong ika-23 ng Enero taong kasalukuyan. Ilang larawan pa ni Baby Adriel Meteor D. Cruz ang kanyang isinama sa pagbibida ng napakagandang regalong ito.

At bilang pangkumpleto sa kanyang kasiyahan, siyempre masaya siya na sa wakas ay nagkaayos-ayos na sila ng kanyang ina na si Mommy Dolly. Nagtutungo umano doon ang kanyang ina upang alagaan si Baby Meteor at tiyaking maayos din ang kalagayan niya upang hindi siya mabinat. Sabi nga ni Whamos, past is past at ang importante ay ang ngayon na magkakasama na at masaya sila.

Naibahagi din ni Antonette ang kanilang happy moment kamakailan. Tiniyak na rin ng dalawa na may insurance na ang kanilang anak. Hayahay ang buhay!

Basahin: Antonette Gail, naging emosyonal sa pagkakaayos nilang mag-ina

Sa video ng surpresa ni Whamos ay bumuhos din ang pagbati (mahigit 30K) mula sa kanilang followers sa social media. A very happy happy birthday indeed.

“The part she wants the ring is the part that tells me she really loves Whamos and wanted to spend her life with him 🙂 Happy family.”

“Happy birthday god bless always good health and many more birthdays to come.”