Sa wakas! Antonette Gail naisilang na ang panganay nila ni Whamos

The long wait is over! Ang partner ni Whamos Cruz na si Antonette Gail del Rosario ay nakapanganak na. Isinilang na ang panganay nila na si baby Adriel Meteor.

Pananabik at sobrang saya ang nararamdaman ngayon ni Whamos na naisilang na ang kanyang unang anak na lalaki at matagumpay na nai-normal delivery ito ni Antonette.

“SA WAKAS NANGANAK NA C ANTONETTE,” masayang inanunsyo ng bagong ama sa kanyang Facebook page.

Talagang hands-on bilang ama at partner ang social media influencer sa video na ibinahagi niya. Makikitang hindi nito iniwan si Antonette at patuloy ang pagpapalakas ng loob niya habang nagle-labor ito.

Hindi man nakasama si Whamos sa delivery room nagdasal siya nang taimtim na sana ay maging matagumpay at makaraos nang maayos ang kanyang GF habang naghihintay siya sa kanilang kwarto.

“Wala akong ibang masabi ngayon nagpi-pray ako, nagdadasal ako kay Lord na sana maging okay ang panganganak ni Antonette at si baby Meteor sana dumating sila dito na masaya,” wika ni Whamos na nag-aalala sa kanyang mag-ina.

“Grabi ‘yung tibok ng puso ko, kung mapapahawak ko lang sa inyo… Kaunting tiis na lang,” nanginginig na sabi ng content creator.

Hindi naman maitago ni Whamos ang kasiyahan nang sa wakas ay nahawakan na niya ang anak. Minana daw umano nito ang pagiging maputi ni Antonette at matangos din ang ilong ng anak nila.

Nang nakapanganak na at nakapagpahinga na si Antonette makikita sa video na alagang-alaga pa rin siya ni Whamos.

Si Kim Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines noong 2019 kung saan kinaaliwan siya ng mga judges.

Basahin: It’s a Boy! Whamos Cruz, Antonette Gail masayang idinaos ang gender reveal ng kanilang first baby

Panoorin: