Alden Richards sa tanong ni Boy Abunda sa isyung kinasal daw kay Maine, may anak, ‘Wala po’

Matagal na ring isyu ang pagkakasangkot ng loveteam na AlDub sa usaping ‘kinasal at may anak’ na umano sila. Mayroon pa ngang mga fans at followers ang nag-away-away dahil dito.

Sa wakas, tinuldukan na ng heartthrob na si Alden Richards ang bulungan tungkol dito.

Sa isang panayam, kabilang sa mga naitanong ni Tito Boy sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ ay tungkol sa isyung kasal daw sila ni Maine Mendoza, ang other half ng AlDub’, at mayroon pa nga raw anak.

Ani Tito Boy kaugnay dito, “Marami pa ring mga naniniwala magpasahanggan ngayon, I think, na kasal kayo ni Maine, meron kayong anak ni Maine, what do you want to say?

“I think everything po is already self-explanatory. Uulitin ko po during the AlDub era, nagpapasalamat po kami sa lahat ng suportang binigay n’yo po sa amin, sa lahat po ng pagmamahal at, you know, masaya po kami na napasaya namin kayo. But right now po kasi kami po ni Maine ay we are a point na we are not getting any younger and we’ve already made our personal choices. We are very good friends. Up to this point we talk,” paliwanag ni Alden.

Sinundan naman ito ni Tito Boy ng panibagong tanong. “Wala kayong anak at hindi kayo kasal?”

“Wala po,” mabilis namang tugon ni Alden. ‘“Yan ang importante, that has to be categorically stated,” pagtatapos naman ni Tito Boy.

Basahin: Maine Mendoza, nagbahagi ng saloobin kaugnay sa AlDub fans

Sa isang panayam naman ni Ogie Diaz sa TV personality at aktres na si Maine noong Nobyembre 2022 ay ibinahagi ng huli ang kanyang saloobin kaugnay sa mga ‘Aldub’ fans na hindi naniniwala na magka-love team at magkaibigan lamang sila ni Alden.

Para kay Maine mas gusto niya na manatili lamang sa katotohanan at ayaw umano nito na manloko ng mga tao para lamang sumikat. “Kasi ‘yung iba parang hanggang ngayon kapit na kapit sila na ‘mag-asawa kami ni Alden. May anak na kami,'” dagdag pa niya. Walang katotohanan ang mga pinakalat ng ilang AlDub fans.”

Ang sure at klarong-klaro, engaged na ang dalaga kay Arjo Atayde na ilang taon na niyang nobyo.

Matapos linawin ng nina Maine at Alden ang real score nila at ang katotohanan, siguro naman ay tapos na ang isyu na ‘yan sa ilang fans nila.

Panoorin ang episode ng Fast Talk with Boy Abunda tungkol dito via YouTube: