
Pampa-good vibes ang bagong vlog na ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel nito lamang Enero 25 ng gabi. Nag-food trip lang naman sila sa isang palengke sa japan; sa Tsukiji Market, Tokyo, Japan. Malamang, birthday at bonding trip na rin nila ng mga kapatid na sina Hash at Mona. Nagdiwang kasi ng ika-26th na kaarawan si Ivana noong December 25 na mapapanood naman sa isa pang video.
Sa food trip vlog na ito, na sa Tokyo na kapital ng Japan naganap, ay mapapanood ang paglilibot ng tatlong magkakapatid sa isang palengke doon kung saan naroroon ang maraming food stalls. Food trip goals sila kaya’t nakahanda silang ‘lumamon’ at magbigay na rin ng rating sa scale na 1-10 sa bawat titikman nila.
Kinagiliwan ng mga viewers ang kulitan ng tatlo. Wala kasing kaarte-arte at walang bad vibes kapag sila ang magkakasama. Ramdam na ramdam mo ang closeness ng magkakapatid.
Game na game silang tuklasin kung ano ano ang mga masasarap kainin sa palengke na kanilang dinayo. Mapapansin din ang kanilang pag-iingat sa bunsong kapatid na si Mona na may mga allergies sa ilang pagkain at medyo maselan ang tiyan.
Binibigyan nila ng rating ang bawat kinakain ayon sa kanilang enjoyment. ‘Eating with gusto’ ang peg nila lalo na si Ivana na walang kaarte arte sa pagsubo nang malalaki. hahaha
Kabilang sa kanilang mga ‘nilafang’ na street foods doon ay ang fresh raw oysters, ang sashimi, squid, sushi at pati fried oysters na may cheese na nagustuhan naman nila. Tinikman din nila ang famous daw na corn fish cake at ang onion fishcake,
Nilibot nila nang maigi ang palengke at napadako rin sa lugar na may king crabs at sea urchin (mga mamahaling street foods!). First time umano nilang kumain ng fresh king crab na inisteam lang at walang sauce. Super sarap daw at nabigyan nila ito ng 10/10 rating.
Sumubok din sila ng ilang fruits doon. Nagustuhan nila ang white strawberries na anila ay ubod nang tamis kaya’t binigyan din nila ng 10/10 na rating!
Bilang pagtatapos, pinuri Ivana ang palengke ng Japan. Aniya, ang sarap sa market na pinuntahan nila at nabusog sila. Ang sarap daw ng Japanese food. Sobrang fresh at ang mga tao ay mababait kaya naman nag-enjoy sila nang husto.
Nag-enjoy at lubos na naaliw din naman ang mga followers ng kanilang vlog.
“Salamat Alawi Family dahil para na din po kaming nakakapunta sa mga Lugar/Bansa na pinapasyalan nyo…(heart emojis) Enjoy, Have fun and be Safe always!!! We Love You Alawi Family (emojis) God Bless!”
“Super down to earth ka talaga I can’t imagine IVA Alawi kumakain sa ganyang lugar walang ka arte arte maganda na sexy mabait at totoong tao walang arte loveyou baby girl!”
“Every travel vlog niya sa ibang bansa it feels like kasama niya tayo at nakakatuwa lang panoorin and their bonding is sooooo fun to watch nakakatanggal ng stress.”
Panoorin ang nakatutuwa nilang food trip sa palengke ng Japan:
You must be logged in to post a comment.