
Sa dami ng mga nagawang proyekto at sa dami ng mga naipundar mula sa kanyang pagsisikap, wala pa rin pahinga at todo kayod pa rin sa trabaho ang Kapamilya star na si Coco Martin.
Pagkatapos ng matagumpay na pag-ere ng Ang Probinsyano, may mga nakaisip na marahil ay magpapahinga muna ang aktor. Nagulat ang lahat nang ianunsyo na may kasunod na kaagad ito na Batang Quiapo, kung saan makakasama niya naman sina Lovi Poe at Charo Santos-Concio.
Sa Iskovery Night vlog ng dating Manila mayor na si Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ibinahagi ni Coco ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang pagsisikap niya sa lahat ng trabahong dumarating sa kanya. Wika ni Coco, batid niya na hindi permanente ang lahat sa showbiz kaya naman gusto niyang sulitin ang panahong na nasa industriya pa siya.
“Alam naman natin na lahat ito matatapos. Para sa akin kasi, gusto ko ‘pag wala na, tapos na lahat, masasabi ko sa sarili ko, balang araw pagtanda, ‘Noong panahon ko, wala akong inaksayang panahon at oras,'” aniya.
Sa dami ng dinanas ni Coco sa buhay bago naging isang aktor, malaking biyaya ang trabaho niya ngayon. Bata pa lang ay marami na itong hinarap dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, na naging dahilan ng pagtira niya sa kanyang lola sa Novaliches. Ito raw ang dahilan kaya naging madiskarte siyang tao.
“Kung hindi ko pinagdaanan lahat ng ‘yon, kung nagkaroon ako ng perfect family. Hindi ako ganito mag-isip at hindi ako ganito dumiskarte,” saad niya.
“Ang target ko no’n, makahanap ako ng tao na magpapatira sa akin para makatalon ako [sa Canada],” kuwento niya.
Nakarating siya sa nasabing bansa gamit ang tourist visa ngunit nabigo siyang makakuha ng working visa.
Gayunman, daan lamang pala ang kabiguang ito sa sunod-sunod na tagumpay para sa kanya. Sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay nagsimula rin ang magagandang oportunidad.
Panoorin ang buong panayam ni Isko kay Coco:
You must be logged in to post a comment.