Nostalgia: Nakapaglaro ka rin ba sa Y8 at Girls Go Games bago nauso ang game apps?

y8

Patok na patok ngayon ang iba’t ibang mobile games kagaya ng Mobile Legends, Call of Duty, at iba pa—ngunit bago nauso ang mga game app, una munang naging libangan ng marami ang mga sumikat na online gaming site noon katulad ng Y8 at GirlsgoGames.

Sa Facebook, ibinahagi ng isang user ang isang screenshot mula sa Twitter na nagpapakita ng dalawa sa mga popular free-to-play website na tinangkilik nila noon, ang Y8 at GirlsGoGames. Saad ng nag-tweet, “Life used to be so good back in 2007.”

y8

Marami ang nag-iwan ng komento ang mga naka-relate sa nasabing post. Bagama’t pareho pa ring gumagana ang mga website na ito ngayon, nakapaghahatid na ito ng nostalgia sa mga “young once” na wala nang oras para sa mga ganito o matagal nang hindi nabibisita ang mga ito.

“Super old school! Those were the days,” saad ng Facebook user na si Izzati Daud.

“Barbie dress up games! LOL! I miss those days,” kumento ni Syeda Neha Hassan.

y8

“Nag-aagawan pa tayo sa paglalaro ng Papa’s Pizzeria at Burgeria,” sabi naman ni Jaja Tangalin na nang-tag pa sa comments section ng post.

Hindi talaga madaling makalilimutan kung gaano kasikat ang GirlsgoGames sa mga kababaihan noon dahil sa iba’t ibang klase ng dress-up games, cooking games, at design games na maaaring malaro rito. Sobrang popular naman ang Y8 sa mga kabataan noon dahil sa mga arcade at iba pang classic game katulad na lamang ng most played browser game dito na Bubble Shooter.

Samantala, kung may mga naka-miss, mayroon din naman nagsabi na hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sila sa mga nasabing website.

go girls game

Ikaw, nakapaglaro ka rin ba sa mga gaming website na ito? Nawili sa girly games sa GirlsgoGames o nag-enjoy sa mga classic digital game sa Y8? Ano ang mga hindi mo makalilimutan kaugnay ng mga ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng post!