Toni Fowler, Sunshine Dizon ‘nagkainitan’ sa kanilang prank vlog?

Nagsagawa ng vlog ang kilalang vlogger, TikToker, at social media influencer na si Toni Fowler kung saan plano nila ng kanyang ate Marie na i-prank si Sunshine Dizon,

Ngunit walang kaalam-alam si Toni na kinausap pala ng kanyang ate si Sunshine para i-reverse prank ang vlogger at ‘sampalin’ umano ito.

Nag-alinlangan pa si Sunshine nung una sa kanilang plano ngunit sinabi raw noon ni Toni kay Marie na gusto nitong makaranas ng sampal mula sa aktres.

Ayon kay Marie, sa prank na gagawin nila ni Toni ay gusto raw nito na makita kung paano magre-react si Sunshine sa kanilang pag-aaway.

Sa kalagitnaan nga ng init ng away ay nakisali na nga ang aktres at pinagsabihan si Toni.

Nang masabihan naman ni Toni si Sunshine kung kaano-ano ba daw niya ito ay dito na ‘sinampal’ ng aktres ang vlogger.

Laking gulat naman ni Toni at hindi ito makapaniwala sa ginawang iyon ni Sunshine.

Maraming netizens naman ang natawa sa ginawang reverse prank.

“Hahahaha ang ganda nitong reverse prank! kasabwat niyo lang si Miss Sunshine palagi. Galing talagang acting kung acting.”

“Isa talaga sa mga legendary si mam Sunshine lalo na ‘yung (IKAANIM NA UTOS) na palabas niya. Sarap panoorin, more vlogs pa sa inyong tatlo. Pa-shout out din ate Toni idol din kita sana soon maka-meet kita. Marami rin nag sasabing magka boses tayo pero parang ‘di naman pero legit marami talaga hehehehehe we love you sa toro family.”

“Tawang tawa ako, sarap ulit-ulitin nung pagka sampal legit na legit ‘yung pagka gulat ni Toni.”

“Magaling talagang artista si Sunshine, alam niyang i-timing kung kailan siya mananampal. Bravo Sunshine! Toni idol katuwa ka totoong tao ka talaga walang eme eme sa katawan. God bless sa inyong lahat!”

Panoorin ang buong video.