Panoorin: Sanggol na palipat-lipat ng posisyon sa higaan kinaaliwan sa socmed

Nakita mo na ba kung paano matulog ang anak mo? Alam mo ba kung makulit ito o hindi sa pagtulog?

Ikinatuwa ng mga netizens ang isang video tampok ang mag-ina habang natutulog. Mapapansin kasi ang anak nito na palipat lipat ng posisyon sa kanilang higaan.

“Ayaw niya talaga magkumot, kahit ako lamig na lamig na,” aniya sa kanyang caption.

Kuwento ni Stephanie, apat na buwan pa lang ang anak niyang si Alina nang mapansin niya na kaya na ng katawan nito ang magpalipat lipat ng higaan.

“Napansin po namin siguro nung mga 4 months po siya kaya na ng katawan niya kasi nahulog po siya nun sa higaan namin pero ‘di naman kataasan kaya naglagay din kami ng pangharang sa higaan,” aniya sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital’

Natutuwa pa rin si Stephanie sa tuwing napapanood niya ang naturang video dahil sa kakulitan ng anak niya sa pagtulog.

Komento naman ng isang netizen, naghahanap raw ito ng mainit na yakap kaya ganoon kalikot ang anak niya.

“Naghahanap ng warm hug ‘yan, ganyan son ko. Pag nagsi-cr lang ako nafi-feel niya agad wala siyang katabi sa bed.”

“Minsan gusto ko nalang itali sa katawan ko eh char. Kahit trumpo matulog, mahimbing tulog niyan. Tinry ko na po lahat pero naikot padin gusto ko nga palitan na ng battery eh. charot,” tugon naman ni Stephanie.

Naka-relate din ang ibang netizen sa sitwasyon ni Stephanie.

“Ganyan din baby ko 8mos. Sobrang likot matulog kahit yakapin ko.”

“Same sa baby ko kahit sobrang lamig na ako ayaw parin magkumot kaya hinahayaan ko narin ganyan rin kalikot matulog kaya ako lagi nag-a-adjust.”

“Ganito din mga anak ko. Kahit naka ac sila nung mga baby pa. Ayaw mag sikumot. Pero ‘di naman ganyan kalikot haahahahaha.”

“Lahat ng bata ganyan talaga ka likot matulog yung pamangkin ko nga parang orasan ikot ng ikot.”

Sino’ng naka-relate na nanay diyan? hahaha