
Nagwala ang isang lalaki sa concert nina Skusta Clee, Flow G at J Roa sa Vancouver, British Columbia sa Canada noong Sabado at nagpakawala ng bote sa stage.
Naging usap-usapan ngayon si Angelica Jane Yap, o Pastillas Girl, matapos mag-viral ang mga video niya na muntik na siyang matamaan ng bote habang nasa stage.
Kung hindi nakailag ay sapul sa ulo si Pastillas Girl na host ng event na kasintahan ni Flow G.
Ayon sa TikTok video na nai-post, nagsasalita si Pastillas Girl sa entablado nang biglang may lumipad na bote sa direksyon niya.
Ibinahagi ng Tiktoker na si strawbriexxx sa kanyang Tiktok account ang naganap na batuhan, “when pastillas girl almost got hit in vancouver.”
Matapos ang kaguluhan at napaalis na rin ang lalaking nagwala ay ipinagpatuloy pa rin naman ang nasabing concert.
Samantala, maging sa TikTok ay kalat na ang mga video na kuha sa naturang concert. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa naganap na pagbabato. Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Angelica kaugnay sa pangyayari o kahit sa grupo nila Skusta.
Marami naman ang nagkomento at sinabing natamaan si Pastillas sa ulo;
“Parang natamaan siya bhie rinig ‘yung tama eeh.”
“Update po ok lang ba si angge.”
“Gusto ko ‘yung pagtakbo ni Skusta to protect pastillas girl”
“WAG KASI IPILIT KUNG HINDI NAMAN WELCOME. PERO Sayang HA? hindi natamaan. Hayss!”
“Bat ‘yung iba dito natutuwa pa sa ganun na nangyari? Gustong gusto pa nila masaktan talaga si Pastillas Girl”
“Hala bat ikinatuwa ng nakararami ‘yung nangyari? Ganun na ba talaga kasama ang mga kapwa natin ?
Si Angelica Yap ay unang sumikat matapos siyang maging bahagi ng It’s Showtime bilang si Pastillas Girl. Ito ang ipinantapat ng It’s Showtime sa tambalang AlDub na sumikat din noong mga panahong iyon.
You must be logged in to post a comment.