‘That person was a different Nadine’: Nadine Lustre hindi ipinagkaila ang naging pagbabago niya

Nakilala at minahal ng maraming Pilipino ang aktres na si Nadine Lustre nang sumikat ang love team nila ni James Reid na JaDine.

Ngayong hindi na sila nagkakatrabaho sa serye man o sa pelikula, nakatuon ang aktres sa sarili niyang growth bilang artista at bilang tao—at hindi niya ipinagkakaila ang naging pagbabago niya.

“Completely different, even different from the one that you met in 2020,” ito ang paglalarawan ng aktres sa interbyu sa kanya ni Karen Davila sa Headstart.

“I’m growing everyday. I’m learning a lot of new things. I’m discovering a lot of new things about myself,” pagpapatuloy niya.

Sa katunayan, kung babalik sa nakaraan, masasabi raw ni Nadine na parang ibang tao siya noon.

“Every time I look back, I always think to myself na parang that person was a different Nadine,” puna niya.

Gayunman, hindi naman isinasara ng aktres ang posibilidad na maging magkatrabaho sila muli ng dating onscreen partner at ex-boyfriend niya na si James, na huli niyang nakatrabaho para sa big screen sa 2018 film nila na Never Not Love You.

[RELATED – JaDine comeback? Nadine handa na muling makatrabaho si James]

“We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway,” saad ng aktres.

“2023 na po. It’s time for us to start a new chapter,” aniya.

Matatandaang 2020 nang ipaalam ng dalawa sa publiko ang tungkol sa kanilang hiwalayan matapos ng ilang taon na pagsasama.

Sa kabila ng paghihiwalay, naging magkaibigan naman ang dalawa at sa katunayan ay pumirma rin si Nadine sa music label ni James na Careless.

Masaya na ngayon si Nadine sa ugnayan nila ng French businessman na si Christophe Bariou at sa tingin niya ay magiging mainam kung magmo-move on na ang lahat sa nakaraan nila ni James.