Lyca Gairanod, ibinida na ang BF sa social media; mga netizen, may kaniya-kaniyang payo

Screengrab/Mga kuhang larawan mula sa YT at IG ni Lyca Gairanod

Matapos ang “jowa reveal” sa kaniyang ika-18 kaarawan, tuluyan na ngang finlex ni “The Voice Kids” season 1 champion Lyca Gairanod ang kaniyang nobyo sa social media.

Ito ang kaniyang pasabog noong Nobyembre 21 na hindi napaghandaan ng kaniyang mga tagahanga, gayundin ng mga netizen.

Mas inaabangan kasi ng lahat ang magiging paandar nina Lyca at ABS-CBN news anchor Karen Davila dahil pareho ang kanilang kaarawan. Matatandaang nag-viral pa ang reaksyon at pagbulalas ni Karen nang malaman niyang pareho silang Scorpio ng singer-vlogger, noong 2021. Para sa kaniya, isang pambihirang pagkakataong makasalamuha ang isang taong may katulad niyang kaarawan.

Pabirong hirit ni Lyca, sagot na raw ni Karen ang kanilang birthday party; bagay na tinupad naman ng batikang broadcaster.

Sa debut party ni Lyca noong Nobyembre 21, nagulat ang lahat nang ipakilala niya ang kaniyang jowa, na isa namang non-showbiz personality, ayon sa ulat.

Disyembre 3, ibinahagi ni Lyca sa kaniyang Instagram post ang litrato nila ng non-showbiz boyfriend. Makikitang magkahawak-kamay pa silang naglalakad sa isang pedestrian lane.

“Spend time with you,” simpleng caption ni Lyca sa kaniyang IG post.

Inulan naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen; sa comment section ng kaniyang IG post.

“Grabe si Lyca mas una na nag-glow up sa akin at nagka-jowa Hahahaha deserved girl!”

“Wow Lyca ikaw na talaga!”

“Good luck guys!!! Enjoy while you are still young…”

Sa kabilang banda, marami ring mga netizen ang nagpaabot ng kanilang payo kay Lyca, na mababasa naman sa comment section ng Balita Online.

“It’s normal to be in love, it’s a part of growing up but limitation is a must.”

“Wag ka sana magpadalos-dalos beh bata ka pa, ingat-ingat muna sa mga lalaki.”

“Ok lang mag-bf basta pangarap muna para sa pamilya para sa magandang kinabukasan.”

“Naku! Bata ka pa dai… unahin mo muna career mo… tandaan mo ang hirap na dinanas mo dai.”

“Kilalanin mu muna mabuti veh… isipin mo lahat ng pinagdaanan mo, mapunta ka lang diyan… baka pag niloko ka,(wag naman sana)… madamay pati career mo.”

Samantala, wala pang tugon o reaksyon si Lyca sa mga naging payo sa kaniya ng netizens.