
Isang senior citizen ang mala-Stephen Curry sa kanyang galing sa basketball shooting sa isang arcade game na matatagpuan sa Calamba, Laguna.
Giliw na giliw ang uploader na si Jeth Almador na pinapanood habang kinukunan ng video ang isang Lola na nakilalang si Lola Flordeliza Austria na may edad 64 anyos na!
Agad namang nag-viral ang video ni Jeth sa kanyang TikTok, “Kung lola ko to, ipagmamalaki ko to. Grabe ang galing galing ni Lolaaa,” saad sa caption ng uploader na proud na proud sa matanda.
Ayon kay Jeth, hindi man lang nakitaan ng pagod si Lola Flordeliza sa mabilis na pag-shoot ng bola na parang machine at halimaw kung bumato ito sa ring.
Sa ulat ni Kuya Kim sa “24 Oras,” noong Biyernes, umiskor lang naman si Lola Flordeliza ng 554 puntos pagkatapos lamang ng ilang minutong pag-shoot nito.
“Naging hobby ko na siya before mag-60 years old ako. Nag-start na ako magbasketball,” sabi ni Lola FLordeliza. “I’m proud to say healthy ang ginagawa ko.”
Ah kaya naman pala! Sabi pa ni Lola, sporty na pala siya noong high school, nang sumali siya sa lahat ng klase ng sports festival.
Gayunpaman, na-overwhelm siya at labis ang saya matapos niyang mag-viral para sa kanyang husay sa pag-shoot ng bola sa arcade kamakailan.
Sinabi ni Lola Flordeliza na wish niya sa Pasko na mas maraming tao ang sumuporta sa women’s basketball sa Pilipinas.
“No offense to the boys, nowadays kaya na naman ng girls talagang gawin ‘yung ginagawa ng boys. Kayang-kaya ng Pinoy,” aniya.
Bumuhos naman ang papuri mula sa mga netizen sa galing ni lola na hindi makapaniwala na sa edad na 64 ay kayang kaya pa ring mag-basketball.
“DAMN !!! parang machine ‘yung braso ni lola sa bilis, ang galing.”
“Lola ito ni Steph Curry!”
“WALANG PALYA!! GRABE! SLAYYY LOLAAAA!”
“She beat the high score for the machine on the right.”
“Grabe napanuod ko rin ‘yan si Lola ng personal parang nahiya na ako maglaro hangang-hanga ako sa kanya pero noong naglaro na ako pagod na pagod ako.”
“lola ano vitamins n’yo? para same tayo braso.”
Panoorin:
You must be logged in to post a comment.