Lalaking binuntis ang nobya dahil selosa, inulan ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

Randlawrence Novenario at Crizel Anne Pelaez (Larawan mula sa FB)

Ano nga ba ang solusyon sa kasintahang seloso o selosa?

Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang isang lalaking nagngangalang “Randlawrence V. Novenario”, 21 taong gulang mula sa Pola, Oriental Mindoro matapos niyang ibahagi sa social media ang ginawa niya sa nobyang si “Crizel Anne M. Pelaez”, 20 taong gulang naman, dahil sa pagiging selosa nito.

Aniya, dahil sa pagiging selosa ng kaniyang nobya, binuntis na lamang niya ito. Ito mismo ang inilagay niyang caption sa kaniyang profile picture sa Facebook.

“Binuntis ko na nagseselos eh,” ani Randlawrence sa kaniyang profile photo.

“I love you mommy & my little princess.”

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen:

“Ayoko na pala magselos!”

“Naku, sana nag-isip-isip po muna, mahirap po ang buhay ngayon. Hindi basta-basta ang pagpapalaki ng isang anak.”

“Ewan ko na lang talaga kapag ginawang standard to.”

“Buti na lang wala akong karapatang magselos hahaha.”

“Go lang mga kuya at ate, panindigan na lang…”

“Ok wala namang problema kung want nila ganiyan, ang dapat lang diyan wag silang aasa sa magulang at i-make sure na hindi mag suffer ang bata in the near future.”

“Hindi na po selos ang pag-aawayan n’yo kundi panggatas ng bata naman.”

“21-anyos? So matutuwa na ba ang buong sambayanan? Abangan na lang natin: pang-ospital, pambili ng gatas, pangmatrikula, hiwalayan etc…. well-planned married life Pinoy style.”

“Mindset ng kabataan ngayon… pasarap now, suffer later. Ending isisi sa gobyerno.”

Ayon sa Balita Online ay nakapanayam nila si Randlawrence. Isang taon pa lamang daw ang kanilang relasyon subalit mahal nila ang isa’t isa. Pananagutan naman daw ni Randlawrence ang magiging anak nila ng partner. Sa ngayon daw ay pa-extra-extra lamang siya sa trabaho habang ang kaniyang kasintahan ay nagsasagawa ng online selling.

Kahit daw magkakaanak na sila, hindi naman daw nila pababayaan ang pag-aaral ni Crizel.

Sa isa pang hiwalay na Facebook post ay proud na ibinalandra ni Randlawrence ang sonogram photo sa ultrasound ni Crizel.

“Hello baby girl,” caption niya sa post.