
Ang British-Filipino host-model na si Kat Alano ay nagpahayag ng matinding dismaya pagkaraan ng balitang ang TV host na si Vhong Navarro ay pinayagang makapagpiyansa na nagkakahalaga ng P1 milyon para sa pansamantalang kalayaan mula sa Taguig City Jail.
Matatandaang noong 2014, sinabi ni Alano na inabuso siya ng isang sikat na celebrity, na umano’y gumawa sa kanya ng hindi mabuti at nagpakawala pa ng mga ‘clues.’
Hindi kailanman tahasang pinangalanan ni Alano ang sinasabi niyang lumapastangan sa kanya, ngunit sinabi niya na ang celebrity na iyon ay may pangalan na “rhymes with wrong.”
Sa isang serye ng mga tweet, ipinahayag ni Alano ang kanyang pagkadismaya sa mga pangyayari; muli, walang binanggit na pangalan.
“I feel sick. This is so wrong. It’s all wrong. Bahala na kayo Pilipinas. You deserve what you asked for. Sana hindi mangyari sa inyo to. It’s a nightmare that keeps going. Evil wins,” tweet ni Alano. “I can’t stop crying. I feel broken and defeated. Ayaw ko na talaga.”
Basahin: Vhong Navarro pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M
Makaraan ang halos tatlong buwang pagkakapiit, pansamantalang nakalaya si Navarro matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M.
Batay sa court order na may petsang Disyembre 5, 2022 at nilagdaan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, itinakda ang piyansa sa halagang isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.
“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” ayon sa nasabing court order.
“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” dagdag pa nito.
Ayon sa mga ulat, matapos ang sapat na pahinga, plano niyang muling bumalik sa “It’s Showtime” kung saan ay napabilang siya bilang co-host mula pa noong 2009.
You must be logged in to post a comment.