JaDine comeback? Nadine handa na muling makatrabaho si James

Handa na muli ang aktres na si Nadine Lustre na makatrabaho ang JaDine other half at dati niyang kasintahan na si James Reid.

Sa panayam sa aktres para sa bago niyang pelikula, ibinahagi ng Deleter star na walang bad blood sa pagitan nila ni James kaya walang problema sa kanya kung masusundan na ang huling proyekto nila sa big screen, ang 2018 film na Never Not Love You.

“We will see. We don’t know what to expect. That’s what I’ve been telling everyone. If it’s a good project, why not? I’m a very collaborative person. Hindi naman kami magkaaway,” saad niya, ayon sa ulat ng PUSH.

“2023 na po. It’s time for us to start a new chapter,” aniya.

Samantala, sa isang listening party sa social media kamakailan, ibinahagi ni James ang tungkol sa kanyang “lovescene” album, kung saan may isang kanta na isinulat niya raw para sa dating ka-love team at kasintahan, ang Always Been You.

“This next one is called ‘Always Been You.’ Oh, man, am I really gonna explain all these songs? This one, I wrote about Nadine,” saad niya.

Matatandaang 2020 nang ipaalam ng dalawa sa publiko ang tungkol sa kanilang hiwalayan matapos ng ilang taon na pagsasama.

Sa kabila ng paghihiwalay, naging magkaibigan naman ang dalawa at sa katunayan ay pumirma rin si Nadine sa music label ni James na Careless.

Sa kasalukuyan, masaya na si Nadine sa ugnayan nila ng French businessman na si Christophe Bariou at sa tingin niya ay magiging mainam kung magmo-move on na ang lahat sa nakaraan nila ni James. Sa ulat naman ng PEP, sinabi ni James na handa na siyang maging in a relationship ulit pagkatapos ng hiwalayan nila ni Nadine.

“I would like to think so. Actually, this album that I’ve been making has been kind of therapeutic,” saad niya. “Ready for a relationship? Yeah, I think I am.”