DIY Christmas money tree, ibinida ng isang netizen

Nalalapit na ang Pasko at abala na rin ang mga tao sa pagde-decorate ng kani-kanilang bahay gamit ang iba’t-ibang dekorasyon.

Samu’t sari naman ang naiisip ng karamihan sa paggawa ng sarili nilang Christmas tree o Do-it-Yourself (DIY), ‘ika nga.

Dahil sa hirap ng buhay ngayon at para makatipid, nag DIY na lamang ng Christmas tree ang ilang Pinoy para maramdaman pa rin nila ang nalalapit na kapaskuhan..

 

Patok na patok ngayon sa social media ang iba’t-ibang ‘Christmas tree ideas’ na gawa sa colored paper, tingting, Barbeque sticks. May iba naman na ang home decor na lang ang ginawang Christmas tree.  :}

Sa halip na gumastos ng mamahaling dekorasyon, ibinahagi naman ng isang netizen sa ‘Home Buddies’ Facebook group na si Analie Aquiliño Hachuela ang pagiging maparaan nito sa paggawa ng do-it-yourself (DIY) Christmas tree gamit ang bamboo strips.

Ayon kay Analie, wala siyang pambili ng Christmas tree kaya nag-isip na lamang siya ng paraan para magkaroon nito.

“Wala akong pambili ng Christmas tree kaya kawayan na lang at naglagay ng kunting palamuti,” saad niya sa kanyang post.

Agad namang nag-viral ang kanyang post dahil sa mga palamuting ginamit niya, kung saan may kasamang mga P500 bills para makumpleto ang kanyang gold-theme na dekorasyon.

Ayon sa Inquirer, ideya mismo ni Analyn ang ginawa niyang Christmas tree.

“This is my own idea. Noon po kasi sa probinsiya namin, walis tingting na binalutan ng green or white na crepe paper ginagawa naming Christmas tree noong bata pa ako,” aniya sa Inquirer.

Dahil gusto niyang magkaroon ng six-foot tall Christmas tree, naisipan niyang gumamit na lamang ng ilang bamboo strip na nabili niya sa halagang P150.

 

 

“Uso na po kasi ‘yung money flower bouquet, kaya naisip ko, ‘Why not gawin ornament on Christmas tree? At safe ‘yung bills kasi ini-roll ko lang hindi itinupi,” dagdag pa niya. Kapag nangailangan ng panggastos, mahuhugot nga naman niya at magagamit pa.  🙂

 

Maraming netizens naman ang humanga sa pagiging malikhain ni Analyn.

“Wow, you’re very creative and yet it’s so elegant.”

“It’s having the sprit of Christmas that matters. Regardless what kind of Christmas decor you have, your Christmas tree still looks good.”

“That’s what we also did. Scrap wood and part of a grill of our screen door and voila!”

Sa mamasko, bawal pong pitasin ang bills ha!  🙂