
Hindi lahat ng plano na gusto nating mangyari ay makakamit nang biglaan. May mga bagay minsan na dadanas muna tayo ng hirap bago makamit ang mga ninanais.
Naantig ni Cliff Irvin Baetiong Constante ang puso ng mga netizens nang ibinahagi niya sa social media kung paano niya tinupad ang kanyang pangako na maging isang lisensiyadong optometrist sa kanyang ina na may mabigat na karamdaman — kanser.
Matagal na kasing gusto ng kanyang ina na maging isa siyang lisensiyadong doktor.
Napag-alaman na na-diagnose ang kanyang ina na may kanser sa dibdib at sa naging sitwasyon ng ina ay hindi nakapag-focus at nakapag-review nang maayos si Cliff.
Doble-doble din ang pagod nito at sakripisyo para lamang maipasa ang exam.
“Nung 1st take ko. My mom was diagnosed with breast cancer. Anxious. Hindi makapag-focus, hindi makapag-review nang maayos. Kailangan umalalay din sa Father ko kasi mas doble ang hirap ng isang asawa na nag-aalaga sa asawa niyang may sakit. Hindi biro ‘yung pagsubok sa pamilya namin that time,” saad niya sa post.
Sa unang take ni Cliff sa pagsusulit ay hindi ito nakapasa sa Theoretical Exams at tanging practical exam lang ang naipasa nito.
“Nung nag-take ako at lumabas ‘yung result. Hindi ko nakita ‘yung name ko sa list ng passers. Nag-fall ako under “Conditional” meaning passed sa practical exam pero mababa average sa Theoretical Exams. so need i-retake ang theoretical exam.”
Imbes na manlumo sa naging resulta, idinaan na lamang ni Cliff sa panalangin ang gusto niyang mangyari na sana ay makapasa na sa exam.
“5 Mins lang ako naging disappointed. Sabi ko sa sarili ko hindi maganda if patatagalin ko tong malungkot na damdamin dahil ‘di ko nakita name ko. A blessing delayed isn’t a blessing denied. May mga bagay na hindi natin control sa mga kamay natin. May mga prayers na hindi sasagutin right away ng panginoon.”
“I prayed and continue to study. I prayed and ask God for guidance. ‘Yung guidance pala na ‘yon is dapat pagsamahin kami apat mag tropa.”
Ayon sa Philippine Star, nang maipasa na ni Cliff ang exam sa kanyang pangalawang pagsubok, agad naman itong pumunta sa ina upang sabihin ang magandang balita.
“Around 9 PM na noon, bawal na ang bumisita pero nakiusap ako sa guard na if pwedeng papasukin ako, ibabalita ko lang kay mama na doctor na ako. Nung binuksan ko ‘yung pinto, sabi ni Mama, ‘Hi, Doc. Congratulations’ then yumakap ako sa kaniya, tapos after noong yakap, doon namin narealize na umiiyak na pala kami sa tuwa.”
Payo naman ni Cliff, na kahit paulit-ulit man tayong madapa ay palagi nating isipin na tumayo at patuloy na maglakad patungo sa mga pangarap.
“Palaging nandyan ang Diyos naka gabay at mag tatayo sayo sa pagkaka dapa mo.”
Siyang tunay!
You must be logged in to post a comment.