YCAP days: ‘Plantitos, plantitas’ ng nakaraan, naghatid ng masasayang alaala

Marami ang naging plantitos, platitas – katawagan sa mga nagkahilig maghalaman – dahil sa pandemya. Pero natatandaan n’yo pa ba na noong araw ay regular na gawain na ring maituturing ang pagtatanim ng mga mag-aaral?

Sa Facebook post ng Burias Island page ay napabalik-tanaw ang marami dahil sa mga larawang ibinahagi nila dito.

“Elementary days pagandahan ng Garden, (puso emoji) Kadalasan mga babae lang masipag mag Garden, yung mga lalaki bisi-bisihan kababantay kung kaninong Garden ang kuhaan nila ng pananim.  😅  Aminin mga Boys! yung tipong walang ka tanim-tanim garden nyo. Tapos kinabukasan parang nag magic mas puno pa Garden nila.”  🙂

Makikita ang mga mag-aaral na pinagyayaman ang lupa, tinaniman at nakapagha-harvest ng gulay. Naging bahagi kasi ng mga asignatura ang YCAP (Youth Civil Action Program ) — ang pag-aalaga ng mga halaman bukod pa sa mga paglilinis at pagpapaganda na ginagawa sa pamayanan.

Sa ibang paaralan na walang access sa kalupaan ay ginagamit ang mga paso o ibang sisidlan para pagtaniman. Kailangan itong balik-balikan ng mga mag-aaral upang diligan, lagyan ng fertilizer o alisan ng mga kulisap. Kapag malusog at namunga ang iyong itinanim, aba, mataas ang markang ibibigay ng inyong guro.

Napa-throwback tuloy ang mga netizens:

“I really missed those days.”

“Oo naranasan ko din yan noong elementary ako tanim namin petchay tapos taga harvest namin ay yong teacher namin”

“Oo nga ang saya noon stugyante pa klalu sa paggagarden kahit ang mgbungkal dahil sa tigas ng lupang napwestuhan peru sa sipag at tyaga nakapagtanim kami at nakatikimdin sa napghirapan haaay kamiss ang buhay studyante.”

“Relate ako dahil ganyan kami noong school days ko pa, kakamiss din, sarap balikan ang mga alaala, Salute ako sa mga student noon kc mga independent, hindi katulad ngaun na puro kaartehan sa katawan ang alam gawin, Noon kami parang mga sundalo kung kumilos, di puwede ang lalamya-lamya.”

“Naalala ko rin nung elementary days ko ganyan din ang ginagawa namin gardening pag malalaki na at pwede ng anihin kanya kanya na kami ng kuha sana maibalik yang mga ganyang gawain ng mga bata para matuto silang magpahalaga ng kanilang mga pinaghirapan.”

Maibabalik pa kaya ang YCAP sa mga mag-aaral? Ito ang hiling ng maraming netizens na naniniwalang nakabubuti ito sa mga kabataan upang makibahagi sila sa ikagaganda ng pamayanan at mga paaralan habang natututunan din ang disiplina.

Para saan ba ang YCAP sa Pilipinas noon? 

In order to foster in the youth civic consciousness, to prepare them for active involvement in national development, and to awaken in them a spirit of volunteerism, the Department of Education and Culture has organized a Youth Civic Action Program (YCAP).

In the 70’s and early 80’s, physical education was incorporated in the subject Youth Development Training or YDT in the high school, along with Scouting, Health, and Music.