Yassi labis na hinahangaan ang kanyang ‘Ate Anne’: ‘She has a lot of values aside from talent, beauty’

Sa gitna ng kanyang mga nakakamit bilang isang aktres at endorser, nananatili pa rin ang paghanga ng aktres na si Yassi Pressman sa mga nauna sa kanya sa industriya. Kabilang sa mga ito ang seasoned actress na si Anne Curtis, na kung tawagin niya ay Ate Anne.

Sa ulat ng PUSH, ibinahagi ni Yassi ang sayang nadarama sa pagiging calendar girl ng Ginebra San Miguel (GSM) at kung gaano siya ka-aware sa responsibilidad na kaakibat nito.

“I know Ginebra San Miguel has been here for 188 years, so just being part of a huge legacy is such an honor for me, siyempre. Pero hindi lang sa Pilipinas kung ‘di worldwide. I’m excited to go visit ‘yung mga probinsya and seeing people,” wika niya.

Noon pa man ay masaya na raw ang aktres sa tuwing nakikita niya ang sarili sa mga commercial at print ad.

“Kasi when I was younger, when I used to model and do a lot of commercials, when I would see my picture posted somewhere, I would be so proud of it. So it just brings back a lot of memories for me and I’m excited to see everybody,” saad ng aktres.

Sa kasalukuyan, inspirasyon daw niya ang mga iba pang naging GSM calendar girls. Isa si Anne sa mga talagang hinahangaan niya.

“I love ate Anne (Curtis) so much. She is a person that has a lot of values aside from talent and aside from beauty. And she’s been here for so long. Ibig sabihin patuloy niya lang ginagalingan at pinupursigi yung trabaho niya. So I really respect people like that,” saad ni Yassi.

Bukod sa pagiging isang calendar girl, pinagkakaabalahan din ni Yassi ang iba pa niyang mga program at gig. Kasama rin sa mga ikinabu-busy niya ang pagiging isang mental health advocate na naglalayong magdala ng inspirasyon sa iba.