Vilma naniniwalang mabibigyan ni Yassi ng hustisya ang karakter sa TV remake ng 1980s film niya

Ikinatuwa ng Star for All Seasons na si Vilma Santos ang upcoming television remake ng 1987 film niya na “Saan Nagtatago ang Pag-ibig?” kung saan bibida ang aktres na si Yassi Pressman.

Sa text message niya sa PEP Troika tungkol sa proyektong gagawin ng GMA-7 at Viva Entertainment, sinabi ng beteranang aktres na isang karangalan sa kanya ang pagbuhay ng nasabing movie.

“The mere fact na ire-remake ‘yong movie Saan Nagtatago Ang Pag-ibig? ay napakalaking saya at karangalan sa akin!” aniya. “Tama ang decision ko sa pelikula kasi ire-remake nila!”

Samantala, naniniwala rin daw si Vilma na mabibigyan ni Yassi ng hustisya ang karakter na minsa’y ginampanan niya.

Bagong GSM calendar girl

Sunod-sunod din ang blessings para kay Yassi, na ngayon ay pinakabagong calendar girl ng Ginebra San Miguel (GSM).

“I know Ginebra San Miguel has been here for 188 years, so just being part of a huge legacy is such an honor for me, siyempre. Pero hindi lang sa Pilipinas kung ‘di worldwide. I’m excited to go visit ‘yung mga probinsya and seeing people,” saad niya.

Noon pa man ay masaya na raw ang aktres sa tuwing nakikita niya ang sarili sa mga commercial at print ad.

“Kasi when I was younger, when I used to model and do a lot of commercials, when I would see my picture posted somewhere, I would be so proud of it. So it just brings back a lot of memories for me and I’m excited to see everybody,” aniya.

[RELATED – Yassi labis na hinahangaan ang kanyang ‘Ate Anne’: ‘She has a lot of values aside from talent, beauty’]

Sa kasalukuyan, inspirasyon daw niya ang mga iba pang naging GSM calendar girls. Isa si Anne sa mga talagang hinahangaan niya.

“I love ate Anne (Curtis) so much. She is a person that has a lot of values aside from talent and aside from beauty. And she’s been here for so long. Ibig sabihin patuloy niya lang ginagalingan at pinupursigi yung trabaho niya. So I really respect people like that,” saad ni Yassi.