Nostalgia: Naalala mo pa ba ang parol na laging proyekto mo noon sa school?

parol

Natatandaan mo pa ba ang parol na laging proyekto mo noon sa school tuwing sasapit ang Disyembre?

Kabilang ang paggawa ng parol sa mga naging bahagi ng buhay-estudyante tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre. Isa rin ito sa mga pinakamasasayang proyekto para sa marami dahil isinasabit mismo sa paaralan ang kanilang nilikha at hudyat na rin ito ng papalapit nilang Christmas party at Christmas break.

Parol

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik ang marami sa panahon ng paggawa nila ng parol bilang isang proyekto sa paaralan.

Wika ng admin ng page, “Isa sa mga naging project natin–pagandahan ng parol. Naaalala niyo pa ba, kadekada?”

“Ang husay ko kaya gumawa ng parol noong elementarya kami. Lalo na sa paglalagay ng buntot. Kay sarap kayang maggugupit!” saad ng social media user na si Cecilia CL sa comments section ng post.

parol

“Paborito kong project ‘yan, ang parol. Nakakagawa ako dati, ng star na mga shell ‘yong cover. Sa tulong ng mother ko ‘tsaka kapatid, namulot kami ng mga shell sa beach,” pagbabahagi ni Star M.

“Tuwing first week of December, alam na namin ‘yan. Mayroon na naman kami project na mga Christmas lantern or gagawa kami ng star na kawayan din na lalagyan ng mga decoration. Parang gusto kong bumalik sa high school!” sabi naman ni Em-Em CV.

parol


Naranasan mo rin bang gumawa ng proyektong ito? Ang sarap balikan ng nakaraan, ano? Ano-ano ang mga hindi mo makalilimutan sa paggawa ng sarili mong parol? Ibahagi sa amin sa comments section ng post na ito!

Samantala, kung hindi mo pa nasubukan noon, gusto mo bang matutong gumawa ng sarili mong parol? Hindi pa huli ang lahat! Narito ang steps na kailangang sundin para sa iyong DIY Christmas lantern na gawa lamang sa papel at table cover: