Matteo hanga sa kaniyang misis na si Sarah G: ‘She went against all odds for me’

Hindi naitago ni Matteo Guidecilli ang paghanga sa mga taong ipinaglaban ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng lahat at kabilang na rito ang sarili niyang asawa na si Sarah Geronimo.

Naging kontrobersiyal ang kasal nina Matteo at Sarah noong 2020 dahil sa pagtutol ng magulang ng Popstar Princess dito. Napaulat pa nga na sinubukang pigilan ni Mommy Divine ang kanilang pag-iisang dibdib na siyang naging ugat ng kanilang tampuhan hanggang sa ngayon.

Sa segment na ‘HOPE’ ng programang Tropang LOLs nitong Miyerkules, naglabas ng kaniyang saloobin si Matteo hinggil sa pinagdaanan ng dating magkasintahang sina Lionel at Maricar kabilang na ang pagtutol sa kanilang relasyon ng mga magulang ng lalaki.

“That’s the beauty of love. Sa pag-ibig, mari-realize natin na hindi tayo perfect as an individual. Pero kapag dumating ang tao na talagang swak sa ‘yo — parang puzzle ang pag-ibig, eh — dapat magtulungan kayo para maging buo at maging isa kayo. I really put so much respect on people who (go) against all odds, who are so brave,” bahagi ng aktor.

Dagdag pa ni Matteo, maihahalintulad ang pinagdaanan nina Lionel at Maricar sa kanilang naging sitwasyon kaya hanga siya sa kaniyang misis.

“I’d like to also give it up to my wife, that she went against all odds for me. At the end of the day, love is the decision of two individuals, not about the people in the family or the people around them anymore. It’s about you and your partner,” anito.

May payo din si Matteo sa dalawa. Aniya, “Always put God in the middle. Always respect each other. Kung meant to be ‘yan, darating ang panahon na magiging kayo ulit.”

Dalawang taon nang nagsasama sina Matteo at Sarah subalit mukhang hindi pa sila napapatawad ng magulang ng huli.

Noong nakaraang buwan, isang mahaba at madamdaming post ang ibinahagi ng singer-actress kung saan ay humihingi siya ng tawad sa kaniyang mga magulang at sa mga taong kaniyang nasaktan.

BASAHIN: Sarah Geronimo nag-sorry sa mga magulang: ‘Araw-araw ko po kayo nami-miss at naiisip’

Subalit sa hindi pa malinaw na dahilan, kinabukasan ay tinanggal din ni Sarah ang naturang post at hanggang ngayon ay hindi pa ito nagpapaliwanag kung bakit.

BASAHIN: Viral post ni Sarah G. na nagso-sorry sa kaniyang mga magulang deleted na?