‘Kalihim’: Tinapay na may pulang palaman kinatakaman ng maraming Pinoy noon

Naging bahagi rin ba ng iyong kabataan ang tinapay na may pulang palaman?

Kabilang ang “kalihim” sa mga paboritong meryenda ng maraming Pinoy noon at marahil ay hanggang ngayon kung may nabibilhan pa nito sa malapit na panaderia. Sa ibang lugar sa bansa ay tinatawag ding “pan de regla” o “pan de pula” ang tinapay na ito. Maliliit pa kami ay nakkikita na namin ang tinapay na ito sa iskaparate ng mga bakery at nabibili sa murang halaga. Nakabubusog at masarap din naman.

Sa Facebook group na Nostalgia Philippines ay ibinahagi ng isang miyembro ang larawan ng tinapay na may pulang palaman. Aniya sa caption, “Ano nga ba tawag dito?”

Marami ang naaliw sa post na ito at napabalik sa nakaraan. Nakatutuwa ang mga sagot sa tanong ng ka-Nostalgia.

“Naka lipstick na tinapay!!” sabi ng isa at mayroon pang iba na iba raw ang katawagan dito sa kanilang lugar; “Lipstick, Bagumbayan, alembong, pampam bread.”  hahaha

“Maligaya tawag sa Julie’s. Haha” Liligaya ka kapag kumain ka niyan?

“Bakya mo neneng tawag jan nung bata pa ko. Tas nung nag-hgh ischool na ko pande regla naman.”

“Di ko alam tawag dyan basta kain lng ako ng kain.” 🙂

“Paborito ko Yan noon pulang tinapay sa gitna kumakain ko Yan palagi pag uwi ko galing school pero di ko alam ang name nya.ngayon ko lang nalaman na panderegla pala name nya.”  🙂

Sa post ng Facebook group na Memories of Old Manila ay marami din ang natakam sa tinapay na may pulang palaman.

Kabilang daw kasi ito sa mga all-time favorite ng mga Pinoy. Marami ring napabalik sa mga alaalang kakabit ng tinapay na madalas ding ipasalubong sa kanila noong sila ay mga bata pa.

“Iyan po ang merienda namin noon. Pero dapat matulog muna ng tanghali. Kalihim ang tawag namin,”

“Noong nasa elementary pa ako, iyan ang binibili ko during recess kasi fresh from the oven kaya masarap talaga! Kalihim po ang tawag niyan sa amin sa Quezon. Ewan ko lang kung na-change na ang name niyan now.”

“Noong bata ako, iyan ang paborito ko. Sa tindahan ng lola ko, walang araw na hindi ako kumukuha niyan,”

“One of my favorite old school bread, Kahit hanggang ngayon ay bumibili pa rin ako niyan. Mayroon pa rin sa amin niyan sa tuwing hapon.”

Noong araw ay nakagarapon pa nga ang mga tinapay sa tindahan. Malamang ay may mga apo at apo ka na sa tuhod kung naabutan mo ang panahong iyon.