‘May e-wallet?’ Iwa Moto, nawindang sa mga batang namamalimos sa kaniya sa isang shop

Screengrab mula sa TikTok account ni Iwa Moto

Naranasan mo na bang makaengkuwentro ng mga nanlilimos na nang sinabi mong wala kang dalang cash, okay lang daw, dahil may e-wallet naman sila? Iba rin!

Iyan ang “story time” na ibinahagi ng dating Kapuso actress na si Iwa Moto sa kaniyang TikTok account na ikinawindang din ng kaniyang followers.

Yes, nawindang ang dating Kapuso actress na tumatak sa kaniyang pagganap bilang “Valentina” sa Darna version ni Marian Rivera noon.

Sa kaniyang salaysay, bumaba siya sa minamanehong kotse at bumili sa isang shop na nasa loob ng village nila. Wala siyang dinala kundi susi ng kotse at cellphone niya dahil tumatanggap naman daw ng e-cash ang shop na kaniyang pagbibilhan.

Pagpasok niya sa shop ay napansin na niya ang tatlong batang nasa labas, na may magkakaibang tangkad.

Nang pabalik na siya sa kotse, nilapitan umano siya ng tatlong bata at humingi sa kaniya ng limos, pangkain lamang daw.

Nang sabihin daw niyang wala siyang dalang barya, sinabi raw ng pinakamaliit na bata na may GCash account ito, kaya ipadala na lang sa kaniya.

Napatulala na lamang si Iwa sa kaniyang narinig mula sa bata.

Narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng netizens.

“Are kids allowed to get gcash since they have to show ID proof with age when signing up for an account?”

“Lupet naka-GCash na, nakikisabay din daw po sila sa trend.”

“Mindset ba mindset pag walang barya GCash na lang.”

“Upgraded na hahaha.”

“Level up yarn?”

“ALIW YUNG GULAT NUNG SINABI NA TUMATANGGAP YUNG BATA NG GCASH WAHAHHAHAHAHAHAHHA.”

“Eh di wow! Hahahaha. Sosyal na ang mga nanlilimos. Walang pangkain pero may cellphone hahaha.”

“SAMEEE! May namamalimos sa amin kanina, sabi ko wala akong cash. Sabi ba naman ‘Puwede pong GCash, puwede rin pong Paymaya” SHOOKT IZ ME JUSKO.”

Hindi naman binanggit ni Iwa sa dulo ng TikTok video niya kung pinadalhan ba niya ng limos ang mga bata sa pamamagitan ng e-wallet account nito.

Naranasan n’yo na rin ba ito?