Facebook page ni Angel Locsin sunod-sunod na ang mga post; netizens lalong naintriga

Makaraan ang Ilang buwang pananahimik, sunod-sunod naman ngayon ang post sa Facebook page ni Angel Locsin na lalong nagpaintriga sa mga netizens.

May blind item kasing lumabas na nagsasabing may matinding pinagdaraanan ang mag-asawa sa ngayon kaya hindi ito kapwa nagpaparamdam sa social media.

Kabilang sa mga post ng Facebook page ni Angel ay ilang larawan noong sila ay ikinasal. May simpleng caption ito na “Together forever (heart emoji).”

Ang isa naman ay solong larawan ng Kapamilya aktres na may caption na “Stay happy and in love! Good morning, Angels”; at sinundan ito ng litratong magkasama sila ni Neil na may caption naman na “Happy midweek! Spread love.”

Kinabukasan ay may video na naka-post kung saan makikitang ginugupitan ni Angel ang kaniyang mister.

Ang pinakahuling post sa naturang page ay larawan muli nilang mag-asawa na kuha noong sila ay magbakasyon,

Subalit ang lahat ng post na ito ay mistulang lumang pictures na nila at may nakalagay na [Team Angel PH] na indikasyong hindi ito personal na nagmula sa aktres kung hindi sa admin ng page lang.

Nag-viral din ang mga post na ito sa naturang page subalit marami ang nagtatanong kung ano na nga ba ang nangyari sa mag-asawa.

Maging sa Instagram ni Neil ay may nagtatanong na rin  kung may katotohanan nga ba sa lumalabas na usap-usapan tungkol sa kanilang diumano’y paghihiwalay.

“Sana hindi totoo yun nasa blind item kawawa naman si angel,” ayon sa isang nagkomento.

“Sana hindi totoo na may anak ka sa ibang babae. Pls wag nyo saktan si Angel dahil kami na mga fans nya ang unang nasasaktan,” saad naman ng isang follower.

Marami naman ang umaasa na sana nga ay wala talagang katotohanan ang blind item tungkol sa mag-asawa at humihiling na basagin na ang kanilang pananahimik upang matigil na iba’t-ibang hindi magagandang espekulasyon tungkol sa kanila.

BASAHIN: Nasaan si ‘Darna’? Angel hinahanap na ng mga netizens; tatlong buwang walang update sa socmed