Donnalyn binuweltahan si Xian hinggil sa ‘sugar daddy’ post: ‘May mga babaeng kayang magbayad ng VIP table’

Ipinagtanggol ni Donnalyn Bartolome ang mga kababaihan laban sa tila ‘mapanghusga’ at ‘mapagmaliit’ na post ng kontrobersiyal na social media personality na si Xian Gaza.

Nagbahagi kasi ng larawan si Xian kung saan makikita siya sa loob ng isang club na may nakahaing mamamahaling inumin at pagkain sa mesa.

Caption ni Xian dito: “For every story ng mga babae sa isang VIP table sa Xylo at Cove Manila, mayroong isang Sugar Da**y na hindi kasama sa mga video.”

Tila hindi naman ito nagustuhan ni Donnalyn at naglabas ng kaniyang saloobin sa Facebook para sagutin si Xian.

“*Every story* sure ka? No offense Gaza pero wag mo lahatin, merong mga babaeng kayang magbayad ng VIP table kahit san mo pa siya dalhin. Nasaan ka ba at ako pagbayarin mo sa VIP table—club of your choice, nang malaman mo hindi lahat ng babae may Sugar Daddy at madaming never nagkaSugar Daddy,” ayon sa vlogger.

“And I’m just gonna remind, may mga babaeng kahit mayaman ka pa, kaya ka niyang mas payamanin gamit ang kanyang brain. Anyway, just an advice, imbes na i-down natin yung mga babaeng may sugar daddy, pwede natin sila i-encourage maging good money earners din like what I’m doing sa Sugar Baddie,” wika pa ni Donnalyn.

Nilinaw din ng vlogger na hindi niya tinitingnan ang sarili bilang mas mabuting tao kumpara sa mga may sugar daddy subalit alam niya umano na kaya ito ginagawa ng ilang kababaihan ay dahil sa kahirapan.

Naging bahagi na rin daw ng kaniyang adbokasiya ang women empowerment kaya sinagot niya ang post ni Xian.

“It’s here para lang malaman niyo na nasa history ko yan na advocacy ko ang women empowerment, I have been spreading the message to NEVER belittle women. Encourage them to do better pag mali…” dagdag pa ni Donnalyn.

Pero mukhang hindi naman apektado si Xian sa post ni Donnaly dahil may mga pabiro pa siyang sagot tungkol dito.

Samantala, marami namang babae ang sumang-ayon kay Donnalyn base sa comment section ng kaniyang post. Mali raw kasi yung sinabi ni Xian na ‘every story’ ng babae dahil tila panlalahat na ito sa kanila.

Isa-isa ring sinagot ni Donnalyn sa comment section ang mga nagtatanggol kay Xian at nireresbakan ang kaniyang post.