
Ibinahagi nina Whamos Cruz at Antonette Gail ang kanilang kaligayahan sa idinaos nilang gender reveal celebration para sa kanilang first baby na si Meteor.
Sa YouTube channel at Facebook page ni Antonette ay makikita ang video ng engrandeng selebrasyon na kanilang pinaghandaan.
Ang nasabing selebrasyon ay dinaluhan din ng mga malalapit na kaibigan at pamilya nina Whamos at Antonette kaya’t lalo itong naging espesyal na araw
Ayon sa social media celebrity ay nanabik siyang malaman ang kasarian ng anak, “Actually ako sobrang excited ako, kagabi pa ako hindi makatulog, iniisip ko kung babae ba o lalaki.”
“Pero syempre sa akin gusto ko lalaki, pero kung mapababae man o lalaki okay lang naman, basta healthy si baby,” dagdag pa ni Whamos.
Ang video, na kuha ng Nice Print Photography, ay na-capture ang maraming nakaaantig na sandali nina Antonette at Whamos.
Sa huli, ay ipinakita ang kanilang pinakahihintay na rebelasyon at ito ay lalaki!
Laking tuwa at napapatalon pa sa saya si Whamos nang malaman ang kasarian ng kanilang unang anak. Kahit si Antonette na babae ang bet ay masaya rin naman.
Bumuhos ang pagbati mula sa netizens na natutuwa para sa mag-partner.
“Congrats be .. welcome to a new chapter as a parent .. Masarap na mahirap ang pagiging isang magulang at masuwerte tayo dahil naranasan natin maging mommy .. congrats and God bless be.”
“Ok lang din lalaki bless ‘yan sa inyo galing kay God, sana malusog kayo mag-ina God bless you whamonette.”
“Ano man po ang gender na lumabas ito po ay blessing sa atin ng Poong Maykapal, Congratulations”
Basahin: Whamos Cruz, Antonette Gail magkaka-baby na, ‘Hindi lang basta namin ginawa’
Kamakailan ay hindi umano maipaliwanag ang sayang nararamdaman ni Whamos nang kanyang malaman na nagdadalantao na si Antonette.
“Sa totoo lang pinag-isipan talaga ito nang maigi, hindi lang basta namin ginawa,” wika ni Whamos.
You must be logged in to post a comment.