
Itinanggi ni Sunshine Cruz ang mga usap-usapang nagkabalikan sila ng dating asawang si Cesar Montano at nagdadalantao ito.
Sa Facebook page, nag-post ang aktres kaugnay sa fake news na kumakalat at humingi ng respeto sa bagong partner at pamilya ni Cesar noong Oct. 24.
Nagpakita rin siya ng mga screenshot ng ilang YouTube videos sa nasabing balitang kumakalat.
“FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sa ‘kin,” saad ni Sunshine sa FB post.
“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband,” mariing dagdag ng aktres.
Ang mga bulong-bulungang balikan ng dating mag-asawa ay sa gitna ng hiwalayan nina Sunshine at ng kanyang businessman boyfriend na si Macky Mathay.
Napansin ito kamakailan ng mga netizen na naka-unfollow na sila sa isa’t isa sa IG.
Basahin: Cryptic posts, pag-unfollow ni Sunshine kay Macky, mga pahiwatig ng breakup nga ba, tanong ng netizens
Samantala, karelasyon ni Montano ang non-showbiz partner na si Kath Angeles, kung saan may tatlong anak siya.
Si Sunshine at Cesar ay mayroong tatlong anak na babae na sina Angeline, Sam at Angel Franceska.
Ang dating mag-asawa ay ikinasal noong taong 2000, Pagkatapos ay naghain si Cruz ng petition for annulment noong 2014; isang taon matapos silang maghiwalay.
Opisyal na napawalang-bisa ang kasal ng mag-asawa pagkatapos ng apat na taon, noong Setyembre 2018.
Basahin: Sunshine Cruz sinagot ang netizen na sumita sa kaniyang pagsasayaw sa social media
Samantala, kamakailan ay hindi nakatiis ang isang netizen at sinita nito ang aktres na tigilan na ang pagbabahagi ng mga naturang dance videos. Ibinahagi naman ni Sunshine ang screenshot kung saan binuweltahan niya ang komento ng basher.
“Sudden dancing online? Why? Stop it Ms. Sunshine Cruz. Stop it,” mababasang komento ng netizen.
“Entertainment’s non-vibes to three growing ladies,” dagdag pa nito at pinayuhan pa ang aktres na panatilihin na lang daw ang kaniyang ‘dating aura’ dahil ito lamang ang paraan upang maging masaya.
“Nope i won’t stop. Fun knows no age limit everyone. My children encourages me to have fun, dance, sing and live my life to the fullest,” caption ng Facebook post ng aktres kaugnay dito.
You must be logged in to post a comment.