Bianca Umali at Ruru Madrid, kasalan na nga ba ang kasunod? ‘I found the right one’

Ang magkasintahang Bianca Umali at Ruru Madrid ay kapwa may kilig post sa social media at nagsabing natagpuan na nila ang isa’t isa.

Kamakailan ay nag-post si Bianca ng larawan ng kanyang kamay na may suot na singsing sa kanyang ring finger at nasa background ang kanyang boyfriend.


“I found the right one,” saad ng aktres sa kanyang IG account.

Kaya naman nagkaroon ng haka-haka na baka ikakasal na ang dalawa. Kilig at pagbati naman ang ipinaabot ng mga followers at kapwa celebrities at umabot na sa 99k likes sa Instagram.

Pati ang kilalang beteranong TV broadcaster na si Kim Atienza ay bumati sa dalawa, “Aba aba! Congrats!”

Samantala, nag-post naman si Ruru ng larawan ni Bianca mula sa pinakahuling biyahe nila sa Seoul, South Korea.

Parehong caption ang sinabi ni Ruru sa post niya sa IG na, “I FOUND THE RIGHT ONE.”

Basahin: Ruru Madrid umamin na, si Bianca ang ‘the one’ para sa kanya

Sa usapan nila ni Toni Gonzaga sa Toni Gonzaga Studio ay natanong si Ruru ukol sa pagbabago ng relihiyon ni Bianca na isa na umano ngayong miyembro ng INC, gaya niya.

“Ngayon lang ako nakakita ng tao na parang susuportahan ako nang sobra… Willing siya na mag-take ng risk para lang ipakita niya sa’kin kung gaano ako kaimportante sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam na parang lahat ng gusto ko sa isang babae nasa kanya na,” saad ni Ruru.

Kinumpirma rin ng aktor kamakailan na apat na taon na silang magkarelasyon ni Bianca; sa panayam ng beteranong mamamahayag na si Jessica Soho sa programang “Kapuso Mo Jessica Soho.”

Mula noon ay palagi na silang lumalabas at nagpapakita sa publiko na magkasama at nagpo-post tungkol sa isa’t isa sa social media.

Congrats sa inyong engagement!