
Kamakailan ay nag-viral ang mga estudyante na masasayang kumakain kahit ang kanilang ulam ay bulad (Tuyo) lamang. Sa baso pa nakalagay ang baong kanin ng isa sa kanila. Naantig ang puso ng mga netizens nang makita ang mga bata.
Ang mga mag-aaral ay sina Jielord at Juvanie sa viral video na in-upload ng kanilang guro na si Chris Jan Emperado Narciso sa kanyang TikTok account.
Ilang araw matapos mag-trending online ay nakatanggap ang mag-aaral ng mga grocery at food packs mula sa mga good samaritans.
“Sa Isang kisap-mata naabot ang pinapangarap. Walang katapusang pasasalamat sa pa-Jollibee mga fersons. Naging jolly po ang araw ng aming mga minamahal na estudyante. Napaka-aga po Ng inyong Pamasko. Busog much ang mga bata. Sana ang kanilang ngiti at kasiyahan ay sapat ng maging sukli sa lahat ng inyong mga tulong,” saad ng guro sa kanyang FB post at lubos ang pasasalamat.
Hindi lamang grocery at food package ang naibigay sa kanila kundi isang meal ng Jollibee. Makikita sa video ang kasiyahan sa mukha ng mga estudyante.
Kahit mahirap ang buhay sa panahong ito ay may handa pa ring tumulong at magbigay sa mga nangangailangan nang walang hinihinging kapalit kundi ang masayang ngiti lamang ng mga bata.
Sa bagong post ng guro ay may paparating na namang blessing para sa mag-aaral, “Lunch boxes, water tumblers , Set of uniforms, shoes, jogging pants for all my Grade 2 learners soon.”
Bumuhos ang mga papuring natanggap ng guro at pati sa mga batang patuloy na nagsisipag mag-aral kahit ang ulam lamang ay tuyo.
“Nakakaiyak sila tignan pero nakita ko kahit ganyan lang ulam nila ang ngiti ng bata ang sarap tignan.”
“Saan yan sir? magpafeeding program ako para regalo ko sa kanila sa bday ko tapos bigyan ko konting gaming or toys.”
“Minsan nagrereklamo ako sa buhay ko without realizing na meron pang madami tao na mas hirap sa buhay.. salamat sa vid na to”
“I’m really happy for them.. thank you for those good Samaritan who made them taste the sweet life once”
“Ang bait mo naman sir sana maraming pang teacher na katulad mo”
“Maraming salamat po sir sa pagiging instrument ni Lord para makatulong sa mga bata.”
“Makita mo ‘yung ngiti ng mga bata sobrang saya nila, sa mga ginintuang puso c lord na bahalang magbalik sa inyo….GODBLESS PO”
You must be logged in to post a comment.