
Kamakailan ay nag-viral ang mga kuhang video at larawan ng isang netizen na si Jhap Tarog sa isang estudyante sa Tanza, Cavite na nagtitinda ng taho habang papasok sa eskwelahan, tuwing breaktime at pag uuwi na ito.
Mahirap na gawain para sa isang kabataang papasok pa sa paaralan, ‘di ba? Hindi biro ang magpasan ng mga paninda niya mula sa bahay patungo sa paaralan, pero kinakaya naman niya nang may ngiti.
Pero no more pahirap! Dahil ang estudyateng nabanggit ay may magagamit nang e-bike na may sidecar mula sa mga may mabubuting pusong netizens.
Back Story
Si Gopi o Gurprit Paris D. Singh sa totoong buhay, ay labing-anim na taong gulang at Grade 11 sa kanyang pinapasukang paaralan. Siya ay ipinanganak sa Cebu City at nakatira ngayon sa Tanza, Cavite kasama ng kanyang ina.
Ang estudyante ay may lahing Indiano dahil ang kanyang tatay ay isang Indian National. Ang nanay naman niya ay isang Filipina.
Basahin: Estudyante sa Cavite, nagtitinda ng taho habang patungo sa paaralan at kada breaktime
Matapos mag-viral ang video at mga litrato niya, napanood ito ng dalawang magkaibigan na negosyante na sina Mike Ivander Presa at Renz Marlon Galloba Mateo ng JRP Thailand. Binalak agad nila itong bigyan ng maagang pamasko.
Ayon sa post ng Epipanio Delos Santos Avenue, personal na ibinigay ng magkaibigan ang cash donation, grocery items at hindi lang yon; mayroon pang bagong E-bike with sidecar para hindi na siya nahihirapan pasanin ang itinitinda niyang taho. Ito ay maagang pamasko sa estudyanteng si Gopi.
Sa bagong E-bike na may sidecar ng estudyante, tiyak na mapapagaan na ang paglalako niya ng taho at mas maraming oras ang mailalaan niya sa kanyang pag-aaral.
“Magagamit nya itong bagong E-bike sa pagtitinda nya ng taho. Hindi na siya mahihirapan pang magbuhat. Magagamit din niya ito pagpasok sa eskwela,” pagbabahagi ni Mike Ivander Presa.
Biniyayaan siya ng mga matulunging tao upang bigyan siya ng magagamit sa kanyang paglalako dahil inaalala din nila ang sitwasyon ng estudyante lalo na’t ito’y nag-aaral pa.
Ang cash donation naman na ibinigay ng magkaibigan ay magagamit ni Gopi sa mga bayarin sa eskwelahan at mga gastusin sa kanilang tinitirhan.
“Itong cash donation magagamit niya sa pangangailangan niya sa mga gastusin sa bahay at eskwela. Itong grocery item naman para sa kanilang mag-ina. Sa maliit na paraan man lang ay makatulong kami kay Gopi. Isa siyang huwarang anak at estudyante,” pagsasalaysay ni Renz Mateo.
Life is good
‘Ika nga ni Gopi, “Life is like Math as there is always a solution to every problem. I only wish na sana yung mga taong going through hardships or problems in life will be able to find their solutions to solve their problems, and be happy including me.”
Ang kuwento ng huwarang anak at mag-aaral na si Gopi ay magpapaalala sa mga kabataan na maging determinado sa pagsisikap na maabot ang kanilang mga pangarap. At kapag mayroong mga tumutulong, huwag nilang sayangin ang mga pagkakataon.
Samantala, silipin natin ang ibinahaging video ng Epipanio Delos Santos Avenue kung saan makikitang ibinibigay ng JRP Thailand ang kanilang maagang pamasko sa estudyante.
You must be logged in to post a comment.